Nang aakit A satisfying moan escaped my lips as I turned my body towards my right, ang kumot na nakapalibot sa aking katawan ay akin pang hinatak pataas. "Ahmmmm," napaungot akong muli habang hindi nawawala sa labi ang ngiti. Kahit na malambot naman ang kama sa bahay ng aking ama ay hinahanap hanap ko pa din talaga ang lambot ng sarili kong higaan. Kaya ngayon na nakauwi na akong muli sa amin ay hindi kataka taka na napahimbing ang aking tulog. Nanaginip ako. Nagdate daw kami ni Chase. Binigyan niya daw ako ng maraming lobo tsaka mga chocolates. Tapos may dala pa siyang isang malaking Stitch na stuff toy. He looked dashing in my dreams. Kahit simpleng white dress shirt at black pants lang, hindi ko pa din maiwasang mamesmerize sa itsura niya. Naging triple nga yata yung kagwapuhan n

