Nabaluktot... "Hoy babae," Napaangat ako ng ulo ng madinig ang boses ni Jessa. Bahagya pang umangat nag aking kilay ng mapansin na bumalik na naman sa dati ang suot niya. She's wearing a pink off-shoulder blouse partnered with a denim skirt. Nistress lang ako ng kaunti kase pink din yung sapatos niya tapos pero yung medyas yellow. Grabe din tong babae na to. Hindi ko na din magets. Nakalingon siya sakin habang nakaupo sa harapan ko. Napabuga ako ng hangin. Kumikirot ang aking sentido. Nasobrahan ko na yata ang pag iyak. Nakalimutan ko din kaseng isara yung pintuan sa veranda. Masyado na akong madaming iniisip at nakatulog na lang ako ng hindi ko namamalayan. "What?" sagot ko sa kanya. Nakita ko pa siyang ngumuso bago umismid. After what happened last time, wala akong nadinig na kahit a

