Dakota's POV "Chase, ano ba? Pagbuksan mo naman ako..." daing ko. Tinawagan ako ni Lexo kanina. Nagkagulo daw dito. Hindi daw nag uusap si Milan at si Chase. Ang g**o g**o na. Si Mattee hindi na din mapakali. Nang gabi pa lang na unang dumating si Cheska, kinabahan na ko. Alam kong malaking g**o at alam kong may sa baliw ang babae na yun kaya hindi ko naiwasang mag alala. Sa ilang buwan naming pagsasama ni Chaese, nakabisado ko na din ang ugali niya. Mahilig siyang ipawalang bahala ang mga nangyayari sa kanya. Hindi siya lalaban kung pwedeng hindi naman. Kaya lang baliw ang babaeng yun. Panay ang katok ko pero hindi naman niya binubuksan. Lumabas daw ito kagabi at umuwing lasing. Pero parang nakita ko talaga siya kagabi na lumabas ng kwarto ni Andrea nung papasok ako sa kusina para kumu

