Trigger... "Chase naman..." bulong ko. Paos na ang aking tinig dahil sa kung anong bumabara sa aking lalamunan. "Tama na please..." naidaing ko sa kanya habang pilit kong iniaalis ang kanyang kamay na nakapulupot sa aking katawan. Nang pumasok kami sa loob at umiyak siya sa aking harapan ay hindi na din ako nakapagsalita. Para aking nanghina at ang lakas at tapang na naipon ko sa aking sarili simula kaninang umaga ay parang papel na nilipad na lamang ng hangin. Dati ay wala akong kaalam alam ngunit ngayon, sang malaking sampal sa akin na basta kay Chase, nauubos ako. Ang sakit sakit sa loob ko na nahihirapan siya ngunit hindi ko naman alam kung bakit. Hinintay ko na may sabihin siya sakin. Hinintay kong magsalita siya pero wala! Ano ako, manghuhula? Mas lalong humigpit ang kany

