Umiiyak... "Ma'am..." Napaungol ako ng maramdaman ang marahang pagyugyog ng kung sino sa aking balikat. "Ma'am Andrea..." Dahan dahang nagmulat ang aking mga mata at napatagilid ng higa. Pumikit pikit pa ulit ako dahil sa sinag ng araw na pilit nagpapahapdi sa aking mga mata. "Manang?" takang tanong. Paos pa ang aking boses dala ng pagkakagising. Nag aalangan itong ngimit at tila hindi sigurado sa gustong sabihin. Napaupo ako agad sa kama. Hinagod ko pa ang magulo kong buhok at naoangiwi ng maramdaman na may sumabit pa sa aking daliri. Kadiri ka talaga Chaese. "Pinapatawag po kayo ng papa niyo. Sumabay daw po kayo mag umagahan kasama ng mga kaibigan niyo. Ngayon na daw po dahil nakahanda na ang lamesa," saad niya. Oo nga pala. Dito natulog sila Xantha at Cinco kagabi. Si

