Kalabog.... "Can't sleep?" Napalingon ako ng marinig ang boses ni Cinco. Xantha was too drunk that they reallt had to stay in the house. May sa baliw din naman kase ang kapatid ko, dumapot din ng inumin sa ref. Ayun, nagpakalango silang dalawa ni Xantha sa veranda. Magkadugtong kase ang balcony ng kwarto ko at ni ate kaya malawag iyon. Tumatawid ito hanggang sa dalawang guest room kaya medyo mahaba habang ang kila mama ay nasa kabilang parte ng kabahayan. Cinco took the guest room. Ayaw niya pa sana pero nagpumilit na ako. Isa pa ay nakita din sila ni Tita kanina nang bumaba ito para kumuha ng tubig. Natuwa pa nga ito dahil ang cute daw ni Xantha. Pulang pula ang mukha at panay ang hagikgik. Nang malasing ang dalawa ay parang mga lantang gulay na nahiga ang dalawa na magkatabi

