NATUTULALA PA RIN SIYA DAHIL SA MGA LARAWAN. Nasasaktan siya sa nakita niya pero ayaw niya umiyak. She should have asked for some explanation from Brix first. Bakit nito kailangan pa siyang saktan? Hindi ba pwedeng break-an na lang siya nito o layuan? Bakit kailangan pa nito magpadala ng mga larawan para pamukhaan siya? Nasa ganoon pa rin siyang ayos at nag-iisip kung tatawagan ba ang numero ng nobyo para sumbatan ito o hindi na muna. Naisip na kailangan niya muna ang makalma para hindi siya magmukhang kawawa kapag nag-usap sila. Kailangan niya magmukhang dignified kahit gusto na niyang sumigaw. She was keeping her tear ducts closed upang hindi tumulo ang mga luha nang biglang may pumasok na message. Being a masochist na hindi niya alam na gano'n pala siya, she even read the messa

