NAIA, Metro Manila "Sir Brix!" Nilingon niya ang boses na tumatawag sa kaniya. That was Greg. Ito lang ang nakakaalam ng pagdating niya. Ang bilin niya ay wala itong dapat sabihan na darating siya. Lumapit siya rito at mabilis na kinuha nito ang dala niyang travelling bag. "Saan po tayo didiretso, sir?" tanong nito. He checked the time, maaga pa naman. Gusto niya muna umuwi at maligo. He instructed Greg na sa bahay na muna sila dumiretso. Mamaya na siya pupunta kay Ali. Mamaya na niya ito sosorpresahin. Nang makarating sila sa bahay ay masaya siyang sinalubong ng mag-asawang katiwala. Tuwang-tuwa ang mga ito lalo na nang may pasalubong siyang ibinigay sa mga ito. Umakyat na siya sa kwarto niya at mabilisang naligo. He checked the time at nang makita na malapit na ang alas-kwatro

