TULALA LANG SIYA NA NAKATITIG SA BOUQUET na nakasabit sa dingding. That was the last bouquet she received form Brix, iyong kawawang bouquet na pinanghampas niya rito noong gabi na nasa Black Bricks sila ng mga officemates. She smiled at that memory. That was the night when she unconsciously accepted Brix advances to her. The night na kahit ayaw niya aminin na gusto niya ito ay hindi naman siya makatanggi sa mga halik nito. She sighed at malungkot siya na lumapit sa kama at nahiga. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Sa tuwing naiisip niya si Irina ay nakakaramdam siya ng kaba, ng takot. Bakit nga ba siya masyadong apektado rito? Sinabi na rin naman ni Brix na kapatid lang ang turing nito sa dalaga pero bakit hindi pa rin mawala-wala ang kaba niya na hindi niya alam kung ano ang pinag

