NAPAKAGAT-LABI SIYA SA INIS habang sinasalubong ang masamang tingin nito. He sighed in desperation, kung may sumpong ito ay sobrang tagal naman para humupa. Mukhang kailangan na nito ng psychiatrist at hindi na normal ang bipolar disorder nito. Wala siya planong pasukin ito sa kuwarto kanina. Ang plano niya ay pakiusapan ito na makipag-usap sa kaniya pero kung sa labas naman niya ito kakausapin ay siguradong makakagawa ito ng paraan para maiwasan siya. Makakahanap ito ng pagkakataon para magmukha siyang tanga. When he asked her kung ano ba ang kasalanan niya rito at kung may kinalaman ba si Hail at kung ano man na pinagsasabi ng nakatatandang kapatid ay sana magsabi na lang sana ito para hindi na siya maguluhan.. Ang nakatatandang kapatid lang naman kasi ang pwedeng gumulo sa utak ni

