Three days later… "Send her flowers," pahabol na utos niya kay Rosie nang palabas na ito sa opisina niya. Wala na si Rosie nang balingan niya ng atensyon si Andrew. Kinuha niya ang bagong proposal na aprubado na nito. Ilang segundo niya lang itong tinitigan at agad na ibinaba sa mesa. Wala siyang maunawaan. Bakante ang utak niya at masakit ang ulo niya dahil inabot siya ng madaling-araw sa Black Bricks. Inabot siya ng madaling-araw uminom ng mag-isa. "Hangover?" pabirong-tanong ni Andrew sa kaniya. He scoffed and Andrew chuckled. Ilang araw na rin itong nagvo-volunteer para kausapin si Ali pero ayaw niya. Ano pa natira sa kaniya kung hahayaan niya na ibang tao ang umayos ng relasyon nila ni Ali? "Yeah," badtrip niyang sabi, "wala ako maintindihan sa nakikita at nababasa ko." "Hi

