"KUNG AYAW MO NA TALAGA KAY BRIX ay hiwalayan mo na lang siya para hindi ka na nagkakaganiyan," nag-aalalang sabi ni Sabina sa kaniya dahil tuloy-tuloy pa rin ang pagpatak ng luha niya. Humikbi siya. Pinilit niya ngumiti rito. Tumango. Inisip na virgin pa rin naman siya kaya ano ba problema niya. Wala naman siya dapat iyakan pa. At least buo pa rin siya. Buo pa rin siya kahit maghiwalay pa sila. Eh ano rin kung na-finger ako? Finger lang naman! Finger nga lang pero halos mabaliw ka na! Sigurado ka ba na ayaw mo na ulit maranasan ang mga ipinaranas niya sa iyo? sabi ng demonyo sa kaliwa niya. Okay lang 'yan, Ali. Importante ginagawa mo ang tama at makakabuti sa lahat. At least hindi ka nagpapadala sa tukso, nagdidiwang na sabi ng anghel sa kanan niya. "Ano ba kasi dahilan?"

