"Jonathan nasaan ka na ba?" Umiikot ang paningin kong sumandal sa pader. Kailangan kong makalayo sa lugar na ito at tiyak kong ikakapahamak ko pag hindi pa ako kumilos. "Habulin mo. Bilisan mo!", utos nito sa kasamang lalaki. "Sigurado ka doon mo nakitang dumaan?", tanong nito sa binatang nakaupo sa gutter. "Opo doon po boss, kagabi pa po ako dito. Eto ang pwesto ko kapag nagtitinda ako ng sigarilyo!". Mabilis na nakabalik ang lalaking inutusan. "Domeng wala. Dead-end na yung eskinita na yun!". "Lintik malalagot tayo nito. Na-videohan niya ang pangangalantari ni Boss. Paano pag kumanta yun". "Sigurado ka bang naihalo mo sa inumin niya yung aphrodisiac Turong?". "Oo. Bakit naman kasi kumuha ka pa ng babae. Lagot talaga tayo nito!". "Malamang happy happy si Boss. E di tayo rin dapa

