Madilim ang kapaligiran ngunit may tinig akong naririnig na tila tumatawag sa akin. Sa lilim ng buwan, namataan ko ang isang mansyon sa gitna kagubatan. Pinipilit kong isipin kung paano ako napunta sa lugar na ito. Dahan-dahan kong itinulak ang pintuan. Langitngit ng yapak ko at kabog sa aking dibdib ang tangi kong naririnig. Ngunit sa isip at puso ko ang kahugkangan ng tinig na tumatawag ang nangingibabaw sa akin kaya pilit kong tinatapangan ang sarili 'kong ipagpagpatuloy ang daang tinatahak ko. Pumasok ako't namangha sa aking nasilayan. Isang kwartong punong-puno ng libro. Mga librong pinapangarap kong mapasakamay. Nagmamadali kong inisa-isa ang bawat librong ni minsan hindi ko naisip na mahahawakan ko. Pinasadahan ng daliri ang mga pabalat ng mga aklat na kaibig-ibig. Gusto kong

