Chapter 60 Lies Hidden from a Handsome Beggar HINDI MAPAKALI si Liana sa ibaba ng bodega na binabaan niya gamit ang maliit na elevator ng kaniyang ama sa kwarto nito, kanina pa nakataas ang elevator pero hindi parin ito bumababa kaya hindi mapigilan ni Liana na mag-alala sa kalagayan ni Ruhk mula sa loob ng mansion. “Ben?! Bakit hindi ka pa bumababa?”sigaw na tawag ni Liana sa daanan ng maliit na elevator nang mapalingon siya sa bandang kanan niya mula sa may gilid ng bodega na kita niya ng pinapasok ng usok, na ang ibig sabihin ay malapit na ang apoy sa bodega na kinalalagyan niya. Mas lalong kinabahan si Liana sa takot para kay Ruhk kaya hindi na niya mapigilang magsimulang mataranta sa kinatatayuan niya. “Nasaan na si Ben bakit hindi pa siya bumababa?”nag-aalalang sambit ni Liana ik

