Chapter 61- The Other Threat Lies Hidden from a Handsome Beggar KINAGABIHAN sa isang malaking mansion sa isang hacienda kung saan maraming mga bantay ang nagbabantay sa paligid ng mansion, ay sa loob ng malawak na sala nito ay nakaupo sa isang wheel chair ang isang lalaki habang nakatitig ito sa isang litrato ng isang magandang babae nang dumating si Charissa mula sa pagkakatakas nito sa mansion nina Liana, at sa paghahabol ni Ruhk dito. “Don Patricio, patawad po sa aking pagbalik na hindi ko nagawang saktan ang anak ni Mr. John Castora. Sadyang magaling magbantay ang bodyguard na nagbabantay sa kaniya at nailigtas ito, pero nasunog ko ang malaking mansion nila.”pagbibigay balita ni Charissa dito na seryosong ikinalingon nito. “Hindi sapat ang pagkakasunog mo lang sa mansion ng taong k

