Chapter 62 Lies Hidden from a Handsome Beggar SA NASUNOG na mansion nina Liana ay nakatayo lang siya sa tapat nito habang di kalayuan sa kaniya ay kausap ni Ruhk ang mga dumating na pulis. Sila lang ni Ruhk ang nasa mansion dahil Pagkarating ng ambulansya ay pinadala na niya si Yaya Romary kasama sina Manang Meldy at ang tatlong yaya upang asikasuhin ang katawan nito. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na hind ilang nasunog ang mansion nila, namatay pa ang isa sa mga yaya nila na tinuring niyang kaibigan, at ang isa sa mga ito ang dahilan ng lahat. Tinakpan ni Liana ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang kamay at mahinang tinapik ang magkabila niyang pisngi, upang magising siya sakaling panaginip lang ang nangyari. Hindi mahalaga sa kaniya ang nangyari sa mansion,

