Chapter 71 Lies Hidden from a Handsome Beggar WALANG BUHAY si Liana na tinitingnan ang mga documents sa kaniyang opisina na dapat niyang i-review at pirmahan. Wala siya sa mood na magtrabaho at pakiramdam niya ay gusto niya lang magkulong sa kwarto niya matapos ang napag-usapan nila ni Ruhk kagabi. Hanggang ngayon ay parang may tumutusok pa din na karayom sa puso niya dahil sa sakit na nararamdaman niya na masasabi niyang hindi pa man siya umaamin alam niyang reject ang feelings niya. Pakiramdam ni Liana, mas masakit pa ‘yun kaysa sa pangbabalewala ng kaniyang mga magulang sa kaniya. She was in pain the whole night at pag gising niya ng umaga ay ipinakita niya kay Ruhk na parang wala lang sa kaniya ang naging usapan nila kagabi, naging sweet si Ruhk sa kaniya kaninang umaga pero alam ni

