Chapter 70 Lies Hidden from a Handsome Beggar KINAGABIHAN ay napagpasyahan ni Liana na hintayin ang pag-uwi ni Ruhk, nagsabi ito sa kaniya kanina bago ito umalis na babalik din ito kaagad. Magdidilim na pero wala parin si Ruhk, gusto man niya ito tawagan ay ayaw niya naman istorbohin kung anong ginagawa nito, kaya hihintayin niya nalang ito hanggang sa dumating ito. Nasa sala lang si Liana habang pabalik-pabalik ang tingin niya sa relo ng bahay nila at sa pintuan, nang mapalingon siya kina Yaya Jerilyn na naglalakad palapit sa kaniya at may mga dalang chichirya at juice at inilapag iyon sa center table at deretsong umupo sa sahig. “Samahan ka na po namin dito ma’am Liana, manuod po tayo ng pelikula.”ngiting ani ni Yaya Jerilyn. “May bago po ngayon na palabas na magugustuhan niyo ma’am

