Chapter 69 Lies Hidden from a Handsome Beggar “Rue Blaze Fontabella? Saan ko ba narinig ang pangalan na ‘yun?” tanong ni Liana sa kaniyang sarili. Nakapaligo na siya at nakapambihis ng pambahay lang dahil kahit sinabi ni Kyla na papunta sa kumpanya niya ang chairman ng Blazing Fashion Label Corporation ay pinili niyang hindi pumunta dahil rest day niya at ibinilin nalang kay Kyla na pabalikin nalang ito bukas sa opisina niya. Alam niyang magagalit si Ruhk sa kaniya pag umalis siya ng bahay at nagpunta siya sa kumpanya niya gayong pahinga niya ang araw na ‘yun. Alam niyang bagong kumpanya ang BFLC sa larangan ng fashion industry pero mabilis itong nakilala at sumasabay sa pag boom ng kumpanya niya, hindi niya inasahan na gugustuhin nitong makipag collab sa kanila kung nakikita naman ni L

