Chapter 9

2428 Words
TRISTAN POV Mabuti na lamang at nakalusot ako sa tanong ni Cleo. Sinabi ko na lang sa kanya na may mga adik na humahabol sakin ng gabing iyon kaya nagtago ako. Gulat at nag aalala itong nagtanong pa ng ilang bagay. Mabuti na lamang at naiba ko ang usapan para di na muli ito magtanong tungkol doon. Sa totoo lamang, hindi basta mga taong kalye sina Atong. Myembro ang mga ito ng isang malaking sindikato dito sa maynila. Hawak ng mga ito mula sa mga pulubi na nanglilimos sa kalsada hanggang sa mga d**g p****r na nagbebenta ng droga. Delikado talaga ang mga taong iyon kaya ginagawa ko ang lahat para iwasan sila at hindi na nila ako mahanap pa. Isang linggo na rin ang nakakalipas mula nang tumira ako at magtrabaho kay Cleo. Kahit sabihin pa nito na taga-bantay lang ng bahay ang aking kailangang gawin. Hindi ko matanggap na tumunganga lamang buong maghapon at hintayin itong dumating galing sa trabaho. Kaya naman, pagkatapos kong magluto sa umaga at kapag nakaalis na si Cleo. Nagsisimula na din akong maglinis ng bahay. Sa katunayan ay wala naman masyadong lilinisin sapagkat malaki nga ang bahay niya pero napakalinis naman. Nagwawalis na lang ako at nagmo-mop. Nagdidilig din ako ng halaman sa garden at naglilinis ng pool. Dahil kagustuhan ko ang maglinis ng bahay at magluto, hindi ako napigilan ni Cleo pagdating sa bagay na iyon. Kahit na may tagapaglinis at taga-laba na dumadating kapag weekend. Tanda ko pa ang sabi nito... "Tristan, di ba sabi ko ang trabaho mo lang ay magbantay, hindi mo kailangang maglinis at magpakapagod pa." "Oo pero, maiinip ako kung wala akong gagawin," sagot ko naman, kaya kita kong napahaplos ito sa kanyang batok. Makalipas ng ilang minuto, napabuntong hininga ito at tumango na para bang naiintindihan ang aking punto. "Sige kung gusto mo talaga pero ---" Nagising ako sa pagmumuni-muni ng maalala ko ang kondisyon ni Cleo. Base dito, papayagan niya akong maglinis ng bahay pero wag daw ako papasok sa kwartong ito. Napatigil ako sa pag lalakad nang mapatapat ako sa kwartong tinutukoy nito. Mukhang wala namang kakaiba ito maliban sa kulay ng pintuan. Lahat kasi ng mga pintuan dito ay kulay brown. Ito lang ang bukod tangi na asul ang kulay. 'Hm, baka naman opisina niya ito kaya ayaw niya akong papasukin. Tama-tam--- ayy hindi pala, ang opisina niya ay nasa baba. Eh ano to?' Isip-isip ko pa at saka naglakad palayo na puno ng pagtataka. Bukod pa doon, ang asul na pintong iyon ay katabi lamang ng kwarto ni Cleo. Sigurado naman akong wala siyang itinatagong kahinahinala doon. Nagpatuloy na ako sa pag baba ng hagdan at para doon naman maglinis. Sa mga lumipas na araw ay wala namang nagbago sa pakikitungo ni Cleo sa akin. Ramdam ko nga na mas magiliw pa ito at masigla. Kahit minsan gabi na ito umuwi at pagod na ay hindi nawawala ang magandang ngiti sa labi nito. Akala ko nung una ay nagbibiro lamang siya base sa mga pinagsasa-sabi nito. Akala ko na aawa lamang siya sa kalagayan ko kaya siya nagdesisyon na kunin akong taga-bantay ng bahay pero sa maikling panahon na nakasama ko sya masasabi ko na seryoso talaga siya sa kanyang mga desisyon at walang pinagsisisihan. Minsan naiisip ko, naiintindihan ko na malungkot si Cleo sapagkat hiwalay na ang kanyang mga magulang pero sa itsura naman nito hindi mapapagkaila na habulin ito ng maraming babae. Bakit di na lang kaya siya mag girlfriend para di sya malungkot, o kaya naman ay mag------ asawa para may kasama na siya sa malaking bahay na ito. Hindi ko alam pero kumirot yung puso ko ng maisip ko na maaaring may girlfriend na si Cleo o kaya ay mag asawa ito sa hinaharap. Napailing na lamang ako, sapagkat alam ko sa aking sarili na di ko kayang pigilan ang bagay na iyon. 'Haist, nababaliw na ako, kung ano-ano na ang mga naiisip ko. Mabuti nga na may trabaho pa ako habang wala pang asawa si Cleo.' Matapos maglinis ay nagtungo na ako sa kusina para magluto ng hapunan. Mamaya-maya kasi ay narito na sya kaya kailangan may pagkain na. Habang nagluluto, napangiti ako nang mahawakan ko ang isang stainless na baso at paliparin ito na parang ginagawa ng mga bartender sa isang bar. Tanda ko noon, hindi lamang waiter ang trabaho ko sa bar na iyon, at dahil malaki ang paghanga ko sa mga tricks na gingawa ng bartender, kapag wala masyadong costumer lagi akong nanunuod doon. Dahil ata sa matindi kong pagkagusto ay natuto ako kahit sa panunuod lamang. Kaya naman minsan ay humahalili din ako kapag absent ang bartender namin sapagkat ako lang ang may alam kung ano ang trabaho nito. Kahit babasagin pa ang baso na hawak ko, walang takot ko itong inihahagis sa ere at pinagmamasdan ang nakakamangha nitong galaw. Para ang mga itong perlas na kumikinang sa ere lalo na kapag tinatamaan ng sinag ng ilaw. Nang bumagsak na ito, ay mabilis kong sinalo, nilagyan ng yelo at juice. Nang maibaba ko ito sa aking harapan ay doon ko lang napansin ang lalaking kanina pa nakapanuod sa aking ginagawa. Nakasandal lang ito sa doorframe habang pumapalpak ang mga kamay. Napayuko naman ako sa hiya dahil nakita pala nito ang munti kong pagtatanghal. "Woah, may talent ka pala sa bartending Tristan." Napatango naman ako at inilagay sa harap nito ang inumin na aking inihanda nang umupo ito sa aking harapan. Nagpasalamat ito at tinikman ang inumin na aking ginawa. Napakapit pa ako sa laylayan ng suot kong apron habang hinihintay ang magiging reaksyon niya. "Hmm, masarap. Simpleng juice lang to pero dahil sa paraan ng paghahalo mo nag-iba ang dating." pagpuri pa niya sa akin. Dahil doon ay di ko napigilan ang mapangiti ng malapad, ilang taon na din ng mawala ako sa trabahong iyon kaya naman napaka saya na makarinig ng papuri dahil sa bagay na gustong -gusto kong gawin noon pa. "Marunong ka ba nito dahil sa pagtatrabaho mo sa bar noon?" Ayaw ko man pag usapan ang mapait na nakaraang iyon, kailangan ko pa ring sumagot. Bukod pa dun ay simple at inosenteng tanong lamang naman ito ni Cleo. "A-Ah, Oo doon nga ako natuto---- ahm maghahayin na ako ng hapunan. Alam kong gutom ka na." mabilis akong tumalikod para di na matuloy ang iba pa nitong tanong. Matapos maghanda sa mesa at makapag bihis si Cleo ay nagsimula na kaming kumain. Kahit ngayon parang isang panaginip pa rin sa akin ang lahat ng mga pangyayari. Parang noong isang araw ay nagkakalkal pa ako ng tirang pag kain sa mga basurahan para may makain, habang ngayon na naman ay hindi na ako nakakaramdam ng gutom sapagkat napakaraming pagkain dito sa bahay na ito. Bukod pa doon. Hindi ko maiwasan na di mapasilay sa lalaking aking kaharap. Tahimik pero lagi itong masaya na humaharap at kinakausap ako kung kailangan. Mahirap ng buhay ko noon, bukod pa roon ang masamang trato ng mga tao kapag pulubi ka, nakakapanibago talaga kapag biglang may isang tao na nag paramdam sayo na hindi ka dapat tratuhin na parang basura. Karapatan mo din na mahalin at alagaan. "May problema ba Tristan, okay lang ba ang pakiramdam mo?" "O-Oo naman, ah alam mo kasi Cleo. Napakalaki ng dapat kong ipagpasalamat sayo. Dahil sa trabahong ibinigay mo ay nagbago din ang buhay ko," sinserong ani ko dito, habang napapangiti. "Wag mong isipan yun, bukod pa roon, natulungan mo din naman ako. Ngayon hindi na ako mag isa sa buhay." Thump. Thump Hindi ko mawari pero iba ang dating ng salitang iyon sa akin. ' Ewan ko lang ha, pero parang nagkaroon siya ng asawa hindi taga-bantay ng bahay.' Para mawala ang pagkailang na aking nararamdaman ay nagtanong na lamang ako sa kanya. "Sa gwapo mong yan at mayaman ka pa, wag mong sabihin na wala kang girlfriend?" Nagulat naman ako nang bigla itong masamid sa iniinom kaya nagmadali ako para lumapit sa kanya at haplusin ang likod nito. "Hala, ayos ka lang Cleo?" "O-Oo maayos na ako," sagot nito, sabay sabing bumalik na ako sa aking upuan. Sinunod ko naman iyon at nagpatuloy kami sa pagkain. "Abala pa ako sa business kaya wala akong oras sa relasyon," anito, sabay iwas ng tingin sa akin. 3RD PERSON POV Napabuntong hininga si Cleo dahil sa naging pag uusap nila ni Tristan noong isang gabi. Ang totoo niyan ay mula noon hanggang ngayong 26 years ng buhay niya, walang ibang inatupag si Cleo kung hindi ang hanapin ang nawawalang kababata. Marami man ang nagkakagusto sa kanya pero binalewala niya ang lahat sapagkat wala siyang oras para sa mga ganung bagay. Kung may mamahalin, pakakasalan at bubuo ng pamilya. Kay Tris lamang ang posisyon na yun at wala nang iba pa. Kaya nga kahit ang anak ng kilala at mahalagang business partner na si Rizzy Veifel ay kanyang tinanggihan. At wala siyang pinagsisisihan doon. Ang masayahin, easy-go-lucky at positibong pag uugali niya ay naglaho kasama ng pagkawala ni Tris noon. Ang kanyang dating katauhan at kung sino siya ay napalitan ng seryoso, tahimik, mainitin ang ulo at cold na personalidad. Nang bumalik ang kanyang ina noon para tulungan siya, pinilit din siya nitong mag aral sa kolehiyo para mapatakbo niya ang negosyong pamana ng kanyang ina at ang resto bar na tunay na pag mamay-ari ng pamilya ni Tris. Ngayon hindi kayang ilarawan ng salitang saya ang kanyang nararamdaman. Kaya naman habang nakatayo at pinagmamasdan ang mga nagtatarget shooting ay lumilipad ang kanyang utak habang iniisip si Tristan. Ngayon ay nasa training ground siya para bumisita sa mga bagong hire na bodyguard at iba pa. Ang kompanya na kanyang pinapatakbo ay isang agency para sa mga licence at mapagkakatiwalaang guards at driver/bodyguard. Karaniwang malalaking kleyente ng sikat na hotel/ casino, resort ant iba ang kumukuha para sa serbisyo ng kanyang kumpanya. Ang office nila ay hindi lamang available dito sa Pilipinas meron din sa ibang bansa tulad ng Europe, Asia, America, kaya naman ang mga employees nila ay maaari din magtrabaho sa abroad kung nanaisin ng mga ito. Ang mga coordinator ng facility ay kinikilabutan dahil sa nakikitang pagbabago niya. "Sir, sure po kayong si Mr. Boulstridge yan?" bulong pa ng isa. "Namamalik-mata ata ako, kita nyo ba? Kaunti na lang napapalibutan na ng puso at bulaklak ang terror at halimaw na si Mr. Boulstridge," pabulong na turan pa ng isa. "Tumahimik nga kayo," pagsusuway ng coordinator. "mukhang nagkatuluyan na si Boss at yung fiance nya ah," anito din, kaya nanlaki ang mata ng mga nasa training ground. "Talaga ba?" "Talaga ba? Sa wakas." Bulong-bulungan pa ng mga ito habang nag uumpukan sa isang tabi. Hindi pansin ng mga ito na nasa likod na nila sa Cleo. "What's the commotion all about?" malamig na tanong pa nito gamit ang malalim at makatindig nitong boses. "W-Wala po, Mr. boulstridge!" sabay-sabay na sigaw pa ng mga ito at kanya kanyang nagsibalikan na sa mga ginagawa. "Long time no see, Cleo! hanggang ngayon ba naman tinatakot mo pa rin ang mga empleyado mo?" Paalis na sana siya para bumalik sa kanyang opisina nang marinig ang pamilyar na boses galing sa kanyang likuran. "Heimich." "Chill, para namang di tayo friends. Kailan mo ba ako tatawagin sa pangalan ko?" natatawa pa nitong saad, dahil sa pagtawa ay lumalabas ang dimple sa kaliwang parte ng pisngi nito. Hindi naman siya sumagot at nilampasan lamang ito. Dahil sanay naman ito sa kanyang ugaling mas malamig pa sa yelo ay hindi na lang nito pinansin ang kanyang pang-iisnob. Nakangisi pa itong sumunod sa kanyang habang patuloy na nang aasar. "Cleo naman, hindi mo man lang ba ako iwe-welcome ng maayos. Matagal din tayong di nagkita." "Get lost, asshole," ani Cleo na walang nababakas na emosyon sa mukha nito, at mas binilisan pa ang paglalakad patungo sa elevator. Kaklase niya ng apat na taon si Jonas Heimich noong college, hindi man halata pero itinuring na kaibigan ni Cleo ito kahit makulit at maingay ito. Kasing tangkad niya halos ito pero mas maliit ang built ng katawan nito kesa sa kanya. Ang itsura at aura nito ay pang good boy pero maangas at may yabang din, bukod sa kagwapuhan nito, ipinagmamalaki din nito ang isang dimple sa kaliwang parte ng pisngi nito. Ayon dito, hindi lang sya gwapo, cute din. Nag mula rin ito sa mayamang pamilya at nagtungo sa ibang bansa para i-manage ang negosyo doon pagkatapos na pagkatapos maka-graduate ng college. Nang mawala ito ay natahimik ang kanyang buhay pero paano na kaya ngayong bumalik na ito at dumagdag pa sa kanyang isipin at problema. "Kamusta naman Cleo, gloomy ka pa rin?" "Stop asking silly questions, will you?" may inis na saad niya dito. Tumahimik naman ito pero walang kahihiyan na sumunod at pumasok din sa kanyang opisina. Napahinga na lamang siya ng malalim para pakalmahin ang sarili, hanggang ngayon pansin pa rin niya ang ugali na nabuo nang mawala si Tris. Hindi pa niya kayang ibalik ang dating katauhan noon pero pansin niya na kapag malapit o nariyan si Tristan ay bumabalik ito ng kusa. Hindi siya nahihirapang ngumiti, maging malambing o kaya ay maging maingay o makwento. Iba talaga ang epekto sa kanya ni Tristan. 'Syempre naman, iyon ang taong mahal mo eh,' bulong ng kanyang utak kaya wala sa sarili siyang napangiti. Dahil doon ay mabilis na kumalma ang kanyang sarili pero hindi pa rin niya kinausap ang makulit na si Heimich. "Ano bang ginagawa mo dito?" kunot noo na tanong niya dito. "Bumibisita lang, ikaw naman. Tagal nating di nagkita tapos ganyan kaya. Alam mo may alam akong sikat na bar, my treat, Cleo," pangungumbinsi naman nito. Hindi sya sumagot pero nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. "Musta ang paghahanap mo?" Napabuntong hininga siya bago lumingon sa kinalalagyam nito, kahit nakangisi may mababakas na pag aalala sa mukha nito. "It's none of your business," sagot na lamang niya sabay balik sa ginagawa. Natatandaan niya na hindi sinasadyang naikwento niya dito ang tungkol kay Tris. Celebration yun ng kanilang team noong college, nanalo kasi sila kaya nagkaroon ng party, doon ay nalasing siya at nasabi ang tungkol kay Tris. Mabuti na lamang at si Heimich na lang ang gising at nakarinig sa kanya. "Hayss di ka na nagbago dre, hayaan mo namang tulungan kita," pangungumbinsi pa nito sa kanya. Hindi naman niya obligasyon na sabihin dito at ibalita na nahanap na niya si Tris kaya nanatili na lamang siyang tahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD