TRISTAN POV
Palabas na sana ako ng maliit kong bahay nang mapansin ang nakasilip na bear sa may pintuan. Napakagat labi ako para pigilan ang sarili na mapatawa dahil sa itsura ni Cleo. Walang pandidiri na makikita sa ekspresyon nito kung hindi ang munting paghanga habang sinisilip ang loob ng aking tirahan.
Alam kong maliit ang aking barong-barong pero halatang gustong pumasok ni Cleo kaya inalalayan ko itong gumapang papasok.
"Woah! haha maliit pero malinis ang loob ng bahay mo." pagpuri pa nito.
May umusbong na saya sa aking puso dahil sa kanyang pahayag. Para sa isang anak mayaman at hindi nagdanas ng hirap na tulad ni Cleo, nakakahanga talaga na napaka baba ng kalooban nito hindi katulad ng ibang mayayaman na mayabang at matapobre. Kahit napaka ikli pa lamang ng oras na magkasama at magkakilala kami ramdam ko na tuluyan nang naging malapit ang loob ko sa kanya.
"Alam kong mahirap para sayo na iwan ang lugar na ito, pero ipinapangako ko na aalagaan kita at di magsisisi na tinanggap ang alok kong trabaho." anito, sabay ngiti. Napahawak ako sa aking dibdib sa takot na baka lumabas ang puso ko at tumakbo na palapit kay Cleo. Nakakatawa man isipin pero yun ang nararamdaman ko ngayon.
Napakabait ni Cleo alam kong hindi ako espesyal sa paningin niya sapagkat isa lamang ako sa mga taong tinulungan nito pero kahit ganun, malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil nakilala ko sya.
"Matagal ka bang tumira dito?"
"Oo halos tatlong taon na din, nung dumating kasi ako sa maynila noon nagtrabaho ako bilang waiter sa isang bar, kaso nang mataggal ako doon, wala na ulit tumanggap saking trabaho kaya ayun, naging taong kalye na lang ako." pagsasalaysay ko pa. Laking pasasalamat ko nang di na magtanong si Cleo tungkol sa pagtatrabaho ko sa bar na iyon at bakit ako nawalan ng trabaho.
"May iba ka pang kapamilya? Bakit di ka na lang bumalik kaysa maghirap dito?"
"Gusto ko, pero ni pagkain nga sa araw-araw nahihirapan kong kitain, pamasahe pa kaya pabalik sa probinsya namin?" makatotohanang sambit ko dito.
Tumango naman ito, sunod kong napansin ay ang kamay niyang marahan na humahaplos sa aking buhok. Napangiti ako nang mapagtanto na ito ang paraan niya nang magpapagaan ng aking kalooban. Sa mga oras na iyon, naramdaman ko na parang gusto ko itong yakapin ng mahigpit at ibaon ang aking mukha sa matipuno niyang dibdib.
Pero syempre, may hiya pa naman ako kaya pinigilan ko ang aking sarili na gawin iyon. Para sakin ito na ang pinaka masayang pasko para sakin. Hindi ko alam kung masaya din ba ako noon pag pasko kasama ang pamilya ko. Marami kasi akong di na aalalang pangyayari noong bata pa ako dahil sa aksidente na kinasangkutan ko daw yan ang kwento sakin ng lolo at lola ko.
-----------+++
HABANG pabalik na kami sa bahay ni Cleo ay napuno ng mga pampaskong tugtugin ang buong sasakyan na nagmumula sa radyo. Magaan ang aking kalooban at may saya ang aking puso habang tahimik na nakikinig sa mahina pero masarap pakinggang pag himig ni Cleo kasabay ng kanta sa radyo. Nang makarating na kami sa mala-mansion niyang bahay at mailagay ang sasakyan sa garahe ay sabay na kaming pumasok sa kanyang bahay na mula ngayon ay titirahan ko na din.
Kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na maaari akong tumira sa ganito kalaki at kagandang bahay. Pasko pa rin naman ngayon kaya na nanatili pa rin ang magagandang dekorasyon sa buong bahay. Habang abala ako sa pagtingin sa paligid ay nakuha ni Cleo ang aking attensyon ng sabihin nitong isasama daw niya ako sa magiging kwarto ko mula ngayon.
Sinamahan niya ako sa second floor, sa tapat ng kanyang kwarto ay may isa pang kwartong puti ang kulay ng pinto. Binuksan niya iyon at sinamahan ako sa loob. Mangha akong napasilay sa bawat sulok ng kwarto. Maganda, malaki at maaliwalas dito. Malamig din dahil sa aircon na naka-install. Nang inawan ako ni Cleo para makapagbihis at makapag ayos na din ng kwarto ay naibinaba ko sa kama ang suot kong bagpack na may lamang mga damit, iniwan din ni Cleo ang mga paper bag na pinamili nito kanina.
'Sa wakas may maayos na akong tirahan, malayo sa kalye at sa peligro. Hindi na ako magugutom at meron pa akong sahod pagkatapos ng buwan. Pede ko nang mapadalhan muli ng pera sina lola. Kung papayag si Cleo, maari ko na rin silang madalaw sa probinsya.'
Parang gusto kong mapatalon sa saya dahil sa mga bagay na naiisip ko. Ano ba naman ako, di pa nga opisyal na nagsisimula ang aking trabaho ay sahod na agad ang iniisip ko. Eh, wala din naman masama, yun naman talaga ang habol ko dito kaya ko nga tinanggap ang trabahong ito. Sa loob ng kwarto ay may isang single bed, cabinet, at sliding window.
Ang mas ikinatuwa ko pa ay ang katunayan na may sarili itong banyo sa loob.
'Wow, ang galing talaga!' sigaw ko pa sa aking isipan habang naliligo sa ilalim ng shower. Nagtatalon pa ako na parang batang naglalaro sa ulan.
"Ang saya pala talagang gumamit ng shower! kaya pala lahat ng bahay ng mayayaman, meron nito." masayang bulong ko sa aking sarili, habang nagsasabon ng katawan. Matapos maligo ay nagpalit ako ng malinis na damit, ang mga dala kong damit ay ipinatas ko na ng maayos sa loob ng cabinet.
Nang makababa ako, naghihintay na si Cleo sa akin para isama ako sa kanyang opisina dito sa bahay. Kinakabahan pa ako nang makaupo ako sa harap ng kanyang table. Seryoso kasi ito habang inaayos ang mga papeles sa kanyang mesa.
"C-Cleo?"
"Wag kang kabahan, magkakaroon lang tayo ng kaunting interview." ngumiti pa ito kaya medyo nawala ang aking kaba.
"Pero wala akong dalang mga papeles ih, paano yan?"
"Okay lang, maglilista lang ako ng mahahalagang impormasyon. Paano simulan na natin?" Tumango naman ako at naghanda para sa mga katanungan niya.
"Full name?"
"Tristan Denio po."
"Saang probinsya ka nanggaling?"
"Bais, negros oriental po, may isang baryo doon na ang pangalan ay Albaez. Dun ako galing, nagtatanim ng tubo/sugarcane ang aking lolo at lola."
Napapatango lang naman ito sa kanya habang isinusulat ang lahat ng kanyang sinasabi.
"Pangalan ng mga magulang mo?"
"A-Ah sabi ni lola, ang nanay ko daw ay si Alicia Denio at ang tatay ko ay si Rubert Denio."
Tiningnan naman ako nito ng medyo matagal saka yumuko at isulat ang sinabi niya.
"Hm, sabi ng lola mo? hindi mo ba kilala ang mga magulang mo?"
"A-Ah, namatay daw sa sakit ang aking ama, tapos ang aking ina naman ay namatay daw noong ako'y walong taong gulang."
Ito ang sinabi sakin ni lolo at lola, wala naman akong na-aalala kaya di ko alam pati itsura ng mga magulang ko.
"Hm, walong taon ka ng mamatay ang iyong ina, pero bakit di mo na sya aalala?" puno ng pagtataka na saad pa ito.
"Na-aksidente ako noon kaya wala akong na-aalala sa aking nakaraan." nakayukong ani ko, minsan hindi ko na alam kung ano ang tunay. Mula ng magising ako noon, si lola at lolo na ang nakita ko. Sila ang nag alaga sakin hanggang sa gumaling ako.
"Hm...hmm... okay na to, well, congratulations you're hired," masiglang turan nito sabay abot ng kamay sa kanyang harap. Napangiti naman ako ng malapad at mabilis na nakipagkamay sa kanya.
---------+++
NANG sumapit ang gabi, matapos naming kumain ay nanatili kaming dalawa ni Cleo sa living room para manuod ng mga Christmas movies. Hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa pinapanuod namin na ang title ay Home Alone.
Sobrang talino at maparaan ng batang si Kevin McCallister. Napatigil ako sa pagtawa nang maramdaman ko ang hiya. Paano ba naman. Super feel at home ako dito, hindi ko man lang naisip na baka naiinis na si Cleo dahil sa malakas kong pagtawa. Dahan-dahan akong lumingon para silipin ang ekspresyon niya, hindi ko inaasahan na sa akin pala ito nakatingin hindi sa Tv. Mabilis akong napabaling sa ibang dereksyon habang nagtatakip ng mukha, narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa kaya halos sumabog sa init ang aking mga pisngi dahil sa kahihiyan na nararamdaman.
Dahil sa ginawa kong pagtatago ay mas lumakas ang tawa nito, dahil sa inis ay nakanguso akong humarap dito at tiningnan ko ito ng masama. Ngumisi lang naman si Cleo at nanggi-gigil na pinisil ang pisngi ko.
"Munti kong prinsipe, wag ka nang magalit. May Christmas gift ako sayo."
Hindi ko alam kung saan ako unang mag rereact, dun ba sa pagtawag nya sakin ng munting prinsipe o dun sa regalo. Mukhang nakuha naman nito ang mensahe dahil nakaguhit sa ekspresyon ng mukha ko na mas interesado ako sa regalong binanggit nya.
Kahit sino naman ata ay masasabik kapag nabanggit ang salitang regalo lalo na sa isang pulubing tulad ko na mahirap pa sa daga. Ang makatanggap ng regalo sa pasko ay isang malaking himala. Masayang tumayo si Cleo at sinundan ko lang naman ito nang tingin nang magtungo ito sa ilalim ng Christmas tree at kinuha lahat ng regalo doon. Nagtataka akong napatingin dito nang ilapag niya lahat ng mga ito sa aking harapan.
"Buksan mo na ang mga regalo ko para sayo, Tristan."
"A-Ah, para sakin lahat ng ito Cleo?" Tumango lang naman ito at inabutan ako ng isang box. Iyon daw ang una kong buksan. Hindi malaki ang box at di rin kabigatan, wala akong ideya kung anong laman nito pero sure naman ako na di mangpaprank itong si Cleo.
CLEO POV
Ramdam ko ang pagkasabik ni Tristan habang dahan-dahan nitong sinisira ang balot ng regalo. Para itong bata na masayang masaya sa pagbubukas ng mga regalo kapag pasko. Isa ito sa mga pinapangarap ko noon, ang makita si Tris na masaya habang ibinibigay ko lahat ng kagustuhan niya.
Marami pang mga regalo sa kwarto na ipinagawa ko para dito, sa ngayon nga lamang ay wala pa akong balak ibigay ang mga iyon at ipagtapat ang katotohanan sapagkat humahanap pa ako ng tyempo.
Sigurado ako, kung nasabihin ko man ang lahat kay Tristan ngayon. Malabo pa sa tubig kanal na paniniwalaan ako nito. Baka matakot lang ito at isipin na gumagawa lamang ako ng kwento.
Lalo na nang maalala ko ang sagot niya kanina, hindi man nito naaalala ang mga magulang nito noon, pero halatang mahalaga ang lolo at lola ni Tristan para sa kanya, hindi ko kayang biglain ito ngayon at sabihin ang katotohanan. Bago ang lahat, kailangan ko ding makapag isip ng paraan para mapacheck up ito. Baka may paraan pa upang bumalik ang nawala nitong mga alaala.
"---Cleo."
Dahil sa malalim na pag iisip ay hindi ko napansin na tapos na pa lang magbukas ng mga regalo si Tristan. Nagkalat sa buong lugar ang mga piraso ng sirang mga wrapper. Ang matingkad na ngiti nito habang ipinapakita sakin ang hawak niyang cellphone na aking binili para sa kanya.
"Wow, akin talaga ito Cleo!?" masayang masaya nitong ani habang nakangiti sakin. Wala akong pakialam kung maubos man lahat ng pera ko maibigay ko lang lahat ng gusto niya. Ang makita ang ngiti na iyan ang matagal ko nang inaasam. Salamat at kasama na kitang muli. Tris ko.
"Oo naman, iyo lahat yan. Nagustuhan mo ba sila?"
"Syempre naman, maraming salamat Cleo!" masiglang sigaw nito, saka nagtatakang tiningnan ang cellphone.
"Hindi mo alam kung paano gamitin yan?" Nakanguso naman itong tumango habang magkasalubong ang mga kilay. Hindi ko mapigilan na haplosin ang pisngi nito dahil sa nararamdamang saya.
"Wag kang mag alala, tuturuan naman kita."
Nagliwanag ang mga mata nito at masayang humarap sakin. Sa ekspresyon pa lang ng mukha nito, nababasa ko na ang iniisip nito ngayon. 'Siguradong angel na ang tingin nito sakin.' natatawang saad ko pa sa aking isipan.
"Hm, Cleo ikaw ba nasaan ang pamilya mo? Bakit di mo sila kasama sa espesyal na okasyon tulad ngayon?"
Medyo nabigla ako sa tanong niya. Akala ko masaya na ito sa mga regalo pero may oras pa rin itong alamin ang kalagayan ng iba. Walang ipinagbago ang pinakamamahal kong si Tris.
"Matagal nang hiwalay ang mga magulang ko, busy sa pagpapatakbo ng kumpanya ang aking Mom, habang may bago nang pamilya ang aking Dad."
"Ganun ba, hindi ka ba nalulungkot, mag isa ka lang sa buhay?" nakayuko na turan pa nito. Sa aking nakikita, siya ang malungkot para saking kalagayan. Tipikal na Tris talaga. Lagi niyang inuuna ang iba bago ang kanyang sarili. Mas pinapahalagahan nito lagi ang ikabubuti at kalagayan ng iba bago pa ang sarili nito.
"Dati, pero ngayon hindi na. Narito ka na kasi Tristan, simula ngayon may kasama na ako."
May pagka- mangha sa mga mata nito habang nakangitin sa akin, bago magsalita pansin ko pa ang pagseryoso ng ekspresyon nito.
"Wag kang mag alala Cleo, aayusin ko ang aking trabaho, di kita bibiguin. Mula ngayon di ka na mag iisa!" tumayo pa ito sa aking harapan para ipakita na seryoso siya. Napakagat labi ako para di matawa dahil sa kakyutan nito.
Mukha kasi syang kindergarten sa flag ceremony na namamanata at nangangako. Parang sasabog na ang puso ko saya nararamdaman ngayon. Akala ko noon, hinding-hindi na matutupad ang lahat ng ito. Sa maraming taon na lumipas napakarami ko ding pinagdaanan para lang hanapin ito.
Hindi mabilang na kabiguan ang aking nakukuha kapag palpak ang mga imbestigasyon na ginagawa ko. Hindi masukat na sakit ang nararamdaman ko kapag sa huli ay ang katotohanang patay na ito ang lumalabas sa mga information na aking nakakalap.
Pero ngayon, hindi ko na kailangan mag alala pa. Narito na si Tris at iyon ang mahalaga. Matagal man ang ipinaghintay ko, sulit naman ito. "Cleo...Cleo!"
"Hm, ano yun? may iba ka pang gusto?"
"Wala na, pero dahil wala akong regalo sayo. Pwede kang humiling tapos kapag kaya kong gawin tutupadin ko." masigla nitong saad sakin. Ngumiti naman ako bago sumagot dito, sa totoo lang makita ko lamang ito ay sapat na pero kung makakakuha ako ng isang yakap. Mas masaya iyon.
"Pwede mo ba akong yakapin?" Nawala ang kaba sa mukha nito, sumilay ang maliwanag na ngiti bago tumalon ito sa akin katawan habang sumisigaw.
"Oo naman, kahit unlimited yakap pa!"
"Haha salamat Tristan, alam mo ba ito
ang pinakamasayang pasko para sakin."
"Sa akin din Cleo, salamat din. Alam mo baka itinaghana na magkita tayo ano?" anito, habang nakahiga sa aking dibdib.
"Sa tingin ko din, mabuti na lang at sa compartment ng kotse kita nagtago."
"Tama ka." Habang nag uusap kami, bigla kong naisip ang isang bagay na gumugulo sa aking isipan. Mukhang hindi ni Tristan inaasahan ang aking tanong kaya nagulat ito...
"Tristan, bakit nga ba nagtatago? May humahabol ba sayo?"