3RD PERSON POV NAPAHAWAK si Tristan sa kanyang dibdib, napakalakas ng t***k nito, may kung ano sa kantang iyon na nagdudulot sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Sa palagay niya ay pamilyar sa kanya ang kantang iyon. Hindi lamang niya maalala at maisip kung bakit. "Tristan, okay ka lang ba?" Napalingon siya kay Cleo dahil sa biglang pag imik nito. "O-Oo naman, m-maganda yung kanta." "Your right, napakahalaga sakin ng kantang yan, nagpapa alaala sa aking kababata noon," anito, na may malungkot na ekspresyon. Sa totoo lang, nalulungkot din siya kapag nababanggit ni Cleo ang tungkol sa nawawalang kababata nito, sa lahat na lang kasi ng bagay lagi nitong naaalala ang kababata. Katulad na lamang kapag nagluluto siya, lagi nitong sinasabi na paborito ito ng kababata nito, o kaya ay sa kulay

