3RD PERSON POV OFFICE ABALA si Cleo sa mga gawain ng kumpanya. Kagagaling lamang niya ngayon sa isang lunch meeting kasama ang mga bago nilang stockholder at business partner Dahil sa pagiging kilala ng kanyang agency kaya maraming mayayamang tycoon ang gustong mag-invest sa kanila. Nang umalis muli ang kanyang ina pabalik sa ibang bansa, siya na ang nagpatakbo at naglago ng negosyong ito mula noon. Bukod dito, kasabay pa na mina-manage niya ang negosyong na iwan ng pamilya ni Tris. "Sir, we still have one meeting with Mr. Heimich later on 4:0---" "What?" gulat na aniya, nang marinig ang nakakainis na pangalan ng kaibigan. "H-He arrange the meeting last week Sir, when you take your day off." nauutal na pagbasa pa ni Jude sa hawak na ipad, dito kasi nakasaad ang kanyang schedule

