TRISTAN POV "Akala mo mapapatigil mo ako porket di mo ako pinapansin ng ilang linggo?" Ito na naman yung babaeng kaaway din ni Cleo noon, ayaw ko sana makialam pero gusto kong malaman kung anong pinagtatalunan nila. Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy lang sa pagsasalita ang babae. "Hindi mo ba naisip na baka pineperahan ka lang ng taong yan? Hindi mo yan lubusang kilala!" 'Hm may nangingikil kay Cleo? Hala baka nasa panganib ang buhay nya. Ano ba talagang nangyayari?' Dahil sa sinasabi ng babaeng ito lalo tuloy akong nahihiwagaan sa mga nangyayari, sa totoo lamang kinakabahan din ako sapagkat ano mang oras ay maaaring lumabas si Cleo mula sa banyo at makita pa ang ginagawa ko. Habang nakatitig ako sa pinto ng banyo, nakalagay pa rin sa tenga ko ang cellphone. "Tama na Cleo, in

