3RD PERSON POV KATULAD ng inaasahan ni Tristan, habang naglalakad sa kawalan ay unti-unti hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan. Napatingala na lamang siya sa maitim at umiiyak na kalangitan. Napangiti siya ng mapait habang hinahayaan ang pagpatak ng butil nito sa kanyang mukha. Habang nababasa ang kanyang mukha, humahalo na rin dito ang sarili niyang luha. Kahit gaano kalamig ang paligid dahil sa ulan at kahit gaano manginig ang kanyang katawan dahil dito. Wala siyang kahit ano mang nararamdaman. Pakiramdam niya ang tanga-tanga niya, para isipan na may isang tao na tunay na makakakita ng kanyang halaga, isang tao na tunay na mag mamahal sa kanya. Doon niya naisip na kahit nga ang pinagkakatiwalaan at itinuring na best friend ay trinaydor siya sa huli, ito pa kayang lalaki na

