3RD PERSON POV Nang makita niya kung sino ito, hindi na siya nagtaka kung bakit ito nagagalit. Kahit kailan naman hindi siya pinagkatiwalaan ng babaeng ito. "Ito ba ang ipapakain nyo kay Cleo?" Bakas hindi lang sa boses nito ang inis pati natin sa kilay nito na parang gusto na magdikit dahil sa pagkaka-kunot ng nito. Walang sumagot dito, nanatili lamang ang lahat na tahimik, ang iba naman ay nakayuko pa. Sa mga oras na iyon, matinding awa ang kanyang naramdaman sa mga taong sinisigawan nito. May kakaibang pakiramdam din ang naramdaman niya para sa babaeng ito kaya di niya napigilan ang sarili na tingnan ito ng masama. Sa halip naman na ipakita nito ang galit sa kanya nang mapansin nitong nakatingin siya sa dito. Mas naging nakakatakot ang ngisi sa labi nito, lalo na nang magsimula

