3RD PERSON POV Nang makalabas na ito, napansin iyon ni Heimich kaya sa halip na samahan ang kaibigang si Cleo, sa unang pagkakataon ay mas pinili nitong sundan si Rizzy. Sa loob naman ng venue ay nagsimula na ang lahat na mag ipon-ipon sa may table, sapagkat ngayon lamang naalala na kailangan nga palang magblow the candle pa. Alam nila na medyo nahuli ang part na ito pero wala namang tamang order pagdating sa kasiyahan ng lahat. Ang mahalaga ay masaya at naidaos ng maayos ang kaarawan ni Cleo. Inayos nila ang cake at sinindihan ang kandila. Sa halip na isa, ginawa itong dalawa ni Cleo para tig-isa sila ni Tris. Matapos makahiling na silang dalawa, sabay nilang hinihipan ang kandila habang nagpapalakpakan ang lahat. Kumuha si Tris ng piraso ng cake at sinubuan si Cleo. "A-Ah Trix, okay

