3RD PERSON POV "Trix, sana na-enjoy mo ang birthday celebration?" tanong pa ng antok na si Tristan kay Cleo nang makauwi sila sa bahay pagkatapos ng masaya at magulong party na iyon. "Of course, masarap din lahat ng niluto mo Tris ko. Maraming salamat ulit," pagpuri pa nito sa kanyang mga inihanda na may kasamang pasasalamat, napangiti naman siya nang maganda sapagkat pakiramdam niya ay worth it ang lahat ng pagod niya sa pagluluto ng mga iyon "Talaga! Masaya ako!" masiglang aniya pa kahit pagewang-gewang na dahil sa antok. 11:00 na ngayon ng gabi, pagod at antok na sila parehas. Nang makarating sila sa second floor ng bahay at balak na sanang maghiwalay ng landas upang magtungo sa kanya-kanyang kwarto nang maramdaman niya ang biglang paghawak nito sa kanyang kamay. Muli siyang napal

