TRISTAN POV Gulat at makapaniwala na nagpalipat-lipat ang aking tingin mula kay Trix na kaharap ko ganun din namam sa plane ticket na aking hawak. "Hala! Trix, tunay ba talaga to!? Makakauwi na ako sa probinsya at makikita ko na sina lolo at lola!" Malakas at puno nang pananabik na saad ko dito habang nagtata-talon sa sofa dulot ng labis na kasiyahan. Hindi ko talaga mapigilan ang aking nararamdaman sapagkat halos apat na taon na mula ng umalis ako sa lugar na iyon. Gustohin mo mang umuwi pero wala akong pera para magawa iyon. "Oo naman, syempre sasamahan kita patungo doon, gusto kong makilala at makapagpasalamat samga taong nagligtas at nag alaga sayo." Napasilay ako kay Trix na simpleng nakaupo sa aking tabi at masaya ding inaalalayan ako kung sakaling mahulog ako dahil sa pagtalon

