TRISTAN POV MAKALIPAS ang ilang oras na byahe. Nagising na lamang ako na nasa loob na kami ng van, tulala pa ako dahil sa tagal nang pagkakatulog. Pakiramdam ko hindi lang bonamine ang pinainom sa akin, may kasama atang sleeping pills para makatulog ako sa buong byahe. Napasobra tuloy ang tulog ko. Pasalamat ko na lang at hindi masakit ang aking ulo dahil sa pagsakay sa eroplanong yun. "You're finally awake," malambing na saad ni Trix, habang inaayos ang buhok kong magulo. "Sorry Trix, alam kong madami tayong dala tapos binuhat mo pa ako." "It's okay, para saan pa ito kung di naman magagamit?" nakangisi at proud na turan pa nito habang fine-flex ang muscle niya sa braso. Gusto kong mapa-sana ol na lamang dahil sa ganda ng katawan na meron siya. Napailing na lang ako dahil sa iniisip

