3RD PERSON POV
NAPATAWA ng palihim si Cleo dahil sa mga nangyayari. Kahit nakaramdam siya ng matinding lungkot nang hindi siya maalala nito kanina ay ayos lang sapagkat dahil doon ay nasagot ang mga katanungan sa kanyang isipan.
Mukhang dahil sa naganap na insidente noon ay nawalan ito ng alaala. Ngayon alam na ni Cleo ang dahilan kung bakit sa tagal ng panahon na lumipas ay hindi ito bumalik sa kanya, ang kasagutan ay malinaw pa sa sikat ng araw.
Wala itong alaala kaya hindi nito alam ang tungkol sa kanya. Hindi biro ang sakit na sa katotohanang nakalimutan ka ng taong mahal mo pero nag papasalamat pa rin siya dahil kahit ganun, mas mahalaga pa rin na buhay ito.
Kung tungkol naman sa mga alaala, maaari silang gumawa pa ng mas marami ngayon, sapagkat kahit anong mangyari ay wala na syang balak na pakawalan pa ito. Habang pinagmamasdan niya ang pagkain ni Tristan ay pakiramdam niya na parang nakalutang ang kanyang katawan dahil sa saya. Siguradong ito na ang pinaka masayang araw at pasko ng buhay niya, maliban sa araw na una niyang nakilala si Tris.
NAPASILAY naman ng may pagtataka si Tristan kay Cleo. Naguguluhan sya sapagkat kakaiba ang kinikilos ng lalaking kaharap. Para sa isang may ari ng bahay na nakahuli mg magnanakaw, hindi dapat ganito ang reaksyon nito.
'Dapat binugbog o kaya ay nasa pulis na kami ngayon, ano kaya ang balak ng lalaking to?' isip-isip pa niya, habang pinipigilan ang sarili na kumain ng marami. Nang mapansin na di siya kumakain ay napuno ng pag aalala ang mukha nito. Dahil sa nakita ay bigla siyang napahawak sa kanyang dibdib.
Ang malakas na t***k nito ay parang umuubos sa kanyang hininga. 'Ano bang nangyayari sakin? Bakit parang pamilyar ang taong ito sakin kahit di ko naman siya kilala.'
Mula sa pagkakatungo ay ginagawa niya ang dapat kanina pa niyang inalam. Matapos ibaba ang hawak na kutsara ay tumingin siya ng seryoso at deretso sa lalaking kaharap.
"Hm, b-bakit ganito ang trato mo sakin? Hindi mo ba naisip na baka magnanakaw ako?" Napansin naman niya na mula sa kinakabahang ekspresyon ng mukha nito ay napaltan ng isang ngiti.
Mukhang masaya pa ito bago sumagot sa kanya. "Kung tunay kang magnanakaw, sana wala ka na dito ngayon di ba? Bukod pa doon pasko naman ngayon at alam kong hindi ka delekadong tao."
Ang malambing na tono ng boses nito kasama pa ang malambot na ekspresyon ng mukha. Parang gusto niyang maging emosyonal dahil sa narinig.
Sa buong buhay niya habang naninirahan sa kalsada bilang isang pulubi. Lahat ng tao na kanyang nakakasalamuha ang tingin sa kanya ay basura, patapon at walang kwenta. Ang masamang tingin na may halong pandidiri at masasamang salita na kanyang naririnig mula sa mga ito ay hindi na bago sa kanyang pandinig. Ang mga p*******t na kanyang nararanasan ay normal na lamang para sa kanyang araw-araw na pamumuhay sa kalsada. Ngayon lamang siya nakakita ng isang tao na kayang ngumiti at maging mabuti sa kanya.
"Shh okay lang yan, wala ka na bang pamilya?" anito, sabay haplos sa kanyang pisngi. Doon lamang niya napagtanto na tumulo na pala ang luha sa kanyang mga mata.
"A-Ayos lang ako, oo wala nga akong pamilya dito," aniya, na bakas ang kalungkutan. Pasko ay para sa pamilya at mahal sa buhay, pero lahat ng iyon ay wala siya.
Hindi nawala ang pag aalala sa mukha ng gwapong lalaking kanyang kaharap, hindi man ito nagtanong tungkol sa nangyari. Pero bilang normal na tao na unang beses nagkakilala, kahit sa hindi napakagandang sitwasyon ay itinanong nito ang kanyang pangalan.
"A-Ah Tristan ang pangalan ko," nahihiyang aniya dito.
"Ako naman si Cleo, masaya akong makilala ka TRIStan." hindi niya alam ang dahilan pero rinig niya ang pagbibigay diin nito sa salitang "TRIS" sa kanyang pangalan.
Matapos ang pagpapakilala ay ipinagpatuloy nila ang pagkain habang isinasalaysay niya ang nangyari at kung paano siya nakapasok sa bahay nito. Matapos kumain ay napatingin ito sa kanya at malambing nagsalita.
"Tristan, doon ka muna sa sala, maglilinis lang ako ng kusina."
Nang marinig iyon ay mabilis siyang umiling para ipakita ang kanyang di pagsang ayon. Nagmamadali siyang lumapit at tumabi dito sa lababo. Napakaraming hugasin na plato at mga pinaglutuan kanina. Ang mga tira nilang pagkain ay tumulong din siya sa paglalagay ng mga ito sa tupperware at itinago sa loob ng ref.
Si Cleo ang taga pag sabon habang siya naman ang nagbabanlaw ng mga plato. Nanlaki ang kanyang mga mata ng lagyan siya ng bula nito sa ilong at pisngi habang tumatawa. Imbis na mainis ay kumuha din siya ng bula at inabot ang mukha nito. Ang maayos na paglilinis nila kanina ay nauwi sa masaya at magulong bubble fight. Parehas silang tumatawa habang nagbabatuhan ng bula sa isa't isa.
Mula sa ilang taon na kanyang naalala, ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong saya. Ang makasama ang taong ito ay parang pamilyar at di naiiba sa kanyang pakiramdam, hindi man niya maintindihan sa ngayon ang dahilan nito pero alam niya sa kanyang puso, sarili at kaluluwa na malapit ang loob niya dito.
Nang matapos ang magulo nilang paglalaro, at paglilinis ng kusina ay pagod silang dalawa na napaupo sa sofa ng living room. Habang hinahabol pa rin ang hininga, napatingin siya sa katabi ng biglang bumulong ito.
"Merry Christmas, Tristan." Nakangiti at masaya din naman niya itong sinagot ng "Merry Christmas din Cleo."
----------+++
Mabilis na lumipas ang mga oras hanggang sa natagpuan na lamang ni Tristan ang kanyang sarili sa loob ng sasakyan na nagdala sa kanya upang makilala si Cleo. Ang pagkakaiba lamang ay wala na siya sa compartment nito kundi katabi na ng driver sa front seat. Ang kanyang suot ay bagong tshirt, nabasa na kasi ang una niyang suot kaya pinagbihis muli siya ni Cleo. Napalinga siya nang tumigil sila sa parking lot ng isang mall.
Ang gwapong gwapo at napakabagong si Cleo ay humarap sa kanya habang tinatanggal ang suot na seat belt. Lumabas ito at binuksan ang pinto sa kanyang tabi, sumilip muli ito sa kanya at inabot ang cellphone nito.
"Tristan, dito ka muna ha, bibili lang ako ng damit mo, wag kang lalabas, maglaro ka na lang sa phone ko habang wala ako," bilin pa nito sa kanya.
Tinanggap naman niya ang inaabot nito at tumango, nang paalis na ito sa kanya ay wala sa sarili niyang hinawakan ang dulo ng polo na suot nito. Dahil sa nangyari ay mabilis itong napalingo sa kanya at bumalik para alamin ang kanyang problema. Mabilis naman siyang napabitaw sa gulat.
"May problema ba Tristan?" nag aalalang anito pa sa kanya.
"W-Wala naman, ano kasi-- ah bilisin mo bumalik ha!" nahihiya at kinakabahan pa niyang ani dito. Napangiti naman ito ay ginawa ang isang bagay na hindi niya inaasahan.
Yumakap ito nang mahigpit, walang kumpara ang payat at buto-buto niyang katawan sa maskulado at matipuno nitong katawan. Ramdam din niya ang init ng katawan nito kasama na ang pakiramdam ng pangungulila nito. Hindi man niya maipaliwanag pero matinding kasiyahan ang kanyang naramdaman habang magkalapit ang kanilang mga katawan.
Ang t***k ng kanilang mga puso ay sabay at parang isang magandang musika na nagkakatugma sa isa't isa. Maya-maya pa ay napansin niya ang pag amoy nito sa kanyang leeg at balikat na nagdulot ng kiliti. Napatawa siya kaya naman lumayo ito ng kaunti at sinilayan ang kanyang mukha.
"Anong nakakatawa, Tristan?" napapangising anito, sabay haplos sa kanyang namumutlang pisngi.
"Wala naman, kung makayakap ka kasi parang di na muli tayo magkikita pa," makatotohanang sagot niya dito.
May kung anong bagay na rumehistro sa mukha nito pero mabilis din namang nawala. Napangiti na lamang ito at hindi na sumagot pa, lumapit na lamang ito sa kanya ulit at yumakap pa ng isang beses bago magpaalam.
"Mabilis lang ako, baka di na tayo umabot sa misa." Tumango naman siya at magiliw na kumaway dito. Isinarado niya ang pinto at may pag hanga na napatingin sa hawak na mamahalin na cellphone sa kanyang kamay. Alam naman niya ang password kaya nabuksan niya ito, sa katotohanan ay wala ditong kahit anong laro kaya nagdownload na lamang siya at naglaro ng Temple Run.
Habang naglalaro ay bigla niyang naalala ang pangyayaring nagdala para magtungo sila sa mall. Matapos kumain at maglinis ng kusina ay nagpahinga muna sila sa living room. Balak na sana niyang magpaalam dito. Napakarami na niyang ginawa na kaaba-abala para kay Cleo. Nahihiya rin siya sapagkat kahit mali ang kanyang ginawa, mabilis siyang pinatawad nito at nagpakita pa ng kabutihan.
"Cleo, salamat sa l--"
"Tristan, halika," magiliw na saad pa nito. Nagtataka man pero nagawa niyang sumagot,
"S-Saan naman?" Ngumiti lamang ito bago kinaladlakd siya patungo sa garahe at pasakay sa sasakyan. Nang mga oras na iyon kung hindi niya nasilayan ang ngiti nito baka isipin niya na sa prisinto ang pupuntahan nila.
Mabuti na lamang at nilinaw nito na sa simbahana ng tungo nila para dumalo ng misa. Marami din siyang gustong ipagpasalamat sa diyos kaya bukal sa loob na sumama siya. Nang magtapos ang kanyang pagbabalik tanaw ay bigla siyang napasilip sa bintana sapagkat may naka agaw ng kanyang pansin sa labas ng sasakyan.
Nang masilayan ang nasa labas ay nagmadali siyang napatungo dahil sa takot at nagtago para di siya makita ng mga taong naglalakad sa labas ng sasakyan. 'Hala, anong ginagawa ng mga yun dito?' tanong pa niya sa sarili, habang sumisilip sa bintana nang paunti-unti.
Napahinga na siya ng maluwag nang makita ang paglampas ng mga ito, pero di niya inaasahan na biglang lilingon si Atong, ang lider ng mga taong humahabol sa kanya noong isang gabi. Parang tumigil ang kanyang puso dahil sa nangyari, mabilis siyang nagtago muli, hindi niya alam na taited ang bintana kaya di talaga siya makikita nito. Natakot talaga siya, kaya naman halos siya'y mapatalon nang biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan.
Nagtatakang mukha ni Cleo ang una niyang nakita, habang nakatingin sa nakatago niyang itsura. Dala rin nito ang maraming paper bag sa isang kamay nito.
"Anong nangyari? May problema ba?" sunod-sunod na tanong nito, bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Umiling naman siya ng ilang ulit at tumighim para di mabasak ang kanyang boses kapag nagsalita.
"Hehe wala naman ito." Tumango naman si Cleo sa kanya bago ipakita ang laman ng dalang paperbag. Mga damit, pantalon at sapatos ito. Hindi niya inaasahan na tutulong pa ito sa pagpapalit ng kanyang damit kaya abot langit ang hiya na kanyang naramdaman. Walang siyang ideya na nakita na ni Cleo ang katawan niya nang gabi na matagpuan siya nito.
"A-Ako na Cleo, kaya ko na to." inagaw niya ang pantalon na hawak nito para isuot sa kanya. Ngumisi lang naman ito habang pinapanuod siya sa pagbibihis. Nang matapos, bago sila umalis ay ito pa ang nagsuot ng sapatos sa kanya. Wala pang ilang minuto at nakarating na din sila. Medyo maaga pa pero katulad ng inaasahan ay puno na ang buong simbahan. Suot ang maayos na damit, sakay ng magarang sasakayan at kasama ang isang gwapong lalaki.
Ang itsura ni Tristan ay malayo sa gusgusin at pulubi na tulad ng tunay nyang sarili. Kung may makakasalubong siyang kapwa pulubi na nakatira sa kalsada baka mag dalawang isip bago siya lapitan dahil sa itsura niya ngayon.
Nang makapasok sa simbahan ay tumayo na lamang sila sa isang tabi habang nakikinig sa sermon ng pari. Naitungo ni Tristan ang kanyang ulo at saka nagsimula magdasal. Nasa gitna siya ng mataimtim na pag papasalamat sa diyos nang makaramdam siya ng mahinang kulbit.
Tinapos muna niya ang dasal bago lumingon sa kanyang tabi. Masayang mukha ni Cleo ang sumalubong sa kanya habang itinuturo ang isang bakanteng upuan. Wala naman siyang balak umupo pero wala na rin siyang nagawa at di nakatutol ng higitin na siya nito palapit sa mahabang silya sa simbahan. Hinawakan nito ang dalawa niyang balikat para gabayan siya sa pag upo. Nahihiya man dahil sa lubos na pagpapakita ng kabaitan nito kaya pinili na lamang niyang tahimik na maupo habang nakikinig sa misa ng pari.
"Sa buhay, may mga bagay na hindi kaagad natin nakukuha ano man ang gawin natin para makamit ito. May inilaan ang diyos na tamang oras, pagkakataon at saktong tyempo para sa lahat ng bagay. Ganun din sa pagmamahal. Hindi porket mahal mo ay pipilitin mo na, kailangan ay maghintay ng tamang oras para maging pasok o swak ang mga bagay bagay. Sabi nga nila. Everything will fall into places."
Napapatango siya bilang pagsang ayon sa pahayag ng pari. Tama nga naman ito, hindi lahat ng ating gusto, o gugustihin ay makakamit kaagad natin. May tamang oras para sa lahat. Kahit siya, napakarami niyang kagustuhan pero dahil alam niyang hindi pa niya kayang makamit ang mga ito kaya na nanatili siyang naghihintay. Habang tumatakbo ang mga bagay na iyon sa kanyang isipan, hindi niya napigilan na lingunin ang lalaki sa kanyang likuran.
Ang gwapo pero seryoso nitong mukha ay tahimik na nakatingin lamang sa unahan habang nakikinig sa sermon ng pari. Dahil sa pagkalunod sa malalim na pag iisip ay hindi niya napansin na nakayuko na pala ito at naka titig sa kanya. Ang paraan ng pagtingin nito ay puno ng saya at pasasalamat. Ang dating nito sa kanya ay para bang natapos na ito sa kalungkutan at sa pangungulila na dinarama.l nito.
Naka-weird pero yun ang nababasa niya sa ekspresyon nito. Matapos ang misa. Nagpalitan sila ng peace be with you at mataimtim na kumanta ng Ama Namin. Ngayon ay palabas na sila ng simbahan at patungo na muli sa kotseng sinakyan nila kanina. Habang naglalakad ay napatigil siya sa isang malinaw na dahilan. Naramdaman iyon ng kasama at pabalik na tinanaw siya. Gumuhit ang pagtataka sa mukha nito bago magsalita.
"May problema Tristan? Bakit ka tumigil sa paglalakad?"
Nagdadalawang isip man pero alam niyang ito ang tama at dapat niyang gawin. Magaan man ang loob niya para kay Cleo hindi pa rin maitatanggi na hindi niya ito lubusang kilala. Matapos ang pagkain ng masarap na handa nito sa bahay at pagsama sa pagsisimba ay sapat na, wala na siyang dahilan pa para bumalik at sumama pa rito.
Napayuko na lamang siya habang mahigpit nakahawak sa kanyang dibdib, may kung akong kirot na namamayani sa kanyang kalooban dahil sa katunayan na magkakahiwalay na sila.
'Baliw ka ba Tristan, hindi porket pinakitaan ka ng kabaitan ay sasamantalahin mo na ito. Dapat nga magpasalamat ka pa dahil hindi ka ipinakulong ng may ari ng nilooban mong bahay,' bulong pa ng kanyang konsensya, kaya lalo siyang nanlumo sapagkat iyon ang katotohanan.
Natigil lamang ang gera sa pagitan ng kanyang puso at isipan ng makaramdam siya ng mainit na palad na humawak sa kanyang ilalim ng baba para itaas ang kanyang mukha.
"Wala bang masakit sayo? Halika na baka pagod lang yan." nag aalalang anito pa sa kanya. Nang higitin nito ang kanyang kamay, doon ay napagtanto niya ang lahat ng bagay.
Ayaw man pero pilit niyang binawi ang kamay na hawak nito. Mabilis at gulat na lumingon ito sa kanya. Sya naman ay humugot ng lakas ng loob para masabi ang dapat niyang ipahayag dito.
"C-Cleo, salamat sa lahat lalo na sa kabutihang ipinakita mo sakin pero wala nang dahilan pa para sumama ako sayo. Magtatrabaho ako para mabayaran ang damit at sapatos na binili mo para sakin. Wag kang mag alala, ibabalik ko din ang pera sa lalong madaling panahon."
Pansin niya ang pagbuntong hininga ni Cleo, bago pa siya makatalikod ay muling nagsalita ito.
"May babalikan ka bang pamilya?"
"A-Ah wala akong pamilya dito sa maynila," aniya nang makaharap muli dito ng maayos.
"Anong trabaho ang sinasabi mo para pagkukunan ng ibabayad sa damit?"
"Ahm, magtitinda ako ng kandila at sampaguita sa simbahan." saad niya ng walang halong hiya at takot, sapagkat alam niyang hindi masama ang trabaho na iyon.
Namayani ang katahimikan sa pagitan kanilang dalawa, marami man ang mga tao sapagkat kalalabas lamang din ng mga ito sa simbahan pero hindi nito maibsan ang nakakailang na sitwasyon sa pagitan nila.
Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita na mukhang susuko na ito at wala nang sasabihin pa.
"Salamat ulit Cleo, magkita na lang muli tay---"
Naputol ang munti niyang pamamaalam ng makita ang kakaibang ngisi sa labi ng lalaking kaharap. Ang sumunod na salitang lumabas sa bibig nito ang talagang nagpagulat sa kanya.
"Wag ka muna magpasalamat at magpaalam Tristan, hindi pa tayo magkakahiwalay."