Chapter 5

2498 Words
3RD PERSON POV GULAT at di makapaniwala si Cleo dahil sa kanyang nakikita. Ang taong matagal na niyang hinahanap ay narito, sa kanyang bahay at mismong loob pa ng kanyang kwarto. Nanlalaki ang kanyang mga mata at mabilis na sinampal ang mukha para mapatunayan ang katotohanan ang lahat ng nasa kanyang harapan ngayon. "s**t, that hurts," bulong pa niya, habang hinihimas ang pisngi na medyo mahapdi pa rin habang marahang naglalakad palapit sa tulong na pigura. Kung kanina ay halos lumuwa na sa pagkabigla at gulat ang kanyang mga mata, lalo na itong nangyari nang makalapit siya. Kahit ilang taon silang hindi nagkita, alam niya kung anong itsura ng kababata. Habang nakatitig dito, hindi niya maitatanggi na ito nga ang nawawala niyang mahal. Gusto niyang sumigaw at umiyak sa tuwa pero ayaw naman niyang magising ito mula sa mahimbing na pagkakatulog kaya naman pilit na lamang niyang pinakalma ang sarili. Nang medyo nag-sink in na sa utak niya na totoo ang lahat. Doon niya napansin ang madungis na itsura nito, ang suot na damit din nito ay may sira at halatang luma na. Habang pinagmamasdan niya ang kalagayan nito ngayon, hindi niya mapigilang mapa awa at mahabag ang kalooban. Dahan-dahan siyang umupo sa gilid nito at masuyong hinawakan ang medyo mahaba na nitong buhok. Gusto niyang mas maging kumportable pa ang pamamahinga nito kaya naman kahit ayaw niyang iwan ito ay nagawa pa rin niyang magtungo sa banyo para kumuha ng basang face towel at pamalit na damit. Unti-unti at marahan niyang tinanggal ang bawat saplot nito sa katawan. Bukod sa medyo kayumanggi na kulay ng balat nito, ay hindi nakalampas sa kanyang paningin ang halos bumakat na ribs nito dahil sa kapayatan. Habang pinupunasan din ang katawan nito, may napansin siyang isang bagay na lubos na nagpasikip ng kanyang dibdib, sa tagiliran ni Tris ay may pilat na malaki, mukhang malalim ang sugat na tinamo nito kaya nagkabakas ng ganito. "Kung nahanap sana kita agad, hindi ka mahihirapan ng ganito," malungkot niyang saad sa sarili habang tinutuyo ang katawan nito gamit ang twalya. Matapos maglinis at tuyuin ay pinulbuhan niya ito saka sinuotan ng isa sa kanyang mga t-shirts. Halatang maluwag dito pero mas maayos na ito kaysa sa madumi nitong damit na suot kanina. Nakangiti at masaya niyang pinagmasdan ang mahimbing na pagtulog nito habang kinukumutan at hinahaplos ang malambot nitong buhok. "Now that you're here beside me, I will never let you go again," aniya, sabay halik sa noo nito. Sa mahigit na ilang oras na lumipas, hindi siya nasawa na pagmasdan ito, kahit anong mangyari ay hindi niya inaalis ang kanyang paningin dito sapagkat pakiramdam niya ay maglalaho itong muli. Marami mang bagay na gumugulo sa isipan niya ngayon, mga tanong na hindi niya alam ang mga kasagutan tulad na lamang ng... 'Sa loob ng walong taon ay saan ito nagpunta?' ' Anong nangyari at bakit hindi siya nito pinuntahan?' 'Bago ang lahat, paano ito nakapasok sa bahay niya? at nakarating dito.' Mapabuntong hininga na lamang siya at isinawalang bahala muna ang lahat ng iyon. Ang mahalaga ay ang isang bagay lamang at iyon ay ang katotohanan na kasama na niya ito ngayon. 'I don't give any f**k about everything in this case, what important is, he's here and we're together.' Habang nakahiga sa tabi nito ay pasimple niyang hinahaplos ang pisngi at buhok nito. Gusto man niyang yakapin ng mahigit at ipadama ang matindi niyang pangungulila ay pinigilan muna niya ang sarili na gawin iyon. Hindi niya alam kung paano ipapadama dito ang kanyang nag uumapaw na kasiyahan ngayon. 'Hindi ko kailangang magmadali, hindi naman sya mawawala sakin. I will do everything just to make that happens.' Isip -isip niya para kumalma ang sarili. Ilang sandali pa ang lumipas at nakaramdam na talaga siya ng gutom. Ayaw sana niyang iwan ito pero kailangan niyang magluto para sa kanilang dalawa. "Wag kang aalis Tris ko, magluluto lang ako ha," bilin pa niya dito sabay halik sa pisngi nito. Bago makalabas ng kwarto ay ilang beses pa siyang lumingon para masigurado na hindi ito nawawala. Medyo praning pero hindi niya mapigilan ang sarili na gawin iyon. MALAMBOT at napakabango, yan ang unang napansin ni Tristan nang magising siya. Ang kanyang kamay ay naglakbay para hawakan at damhin ang mga bagay na nakapalibot sa kanya. Ang unang nahawakan nya ay ang makapal na bagay na kay bango, sunod naman ay ang hinihingaan nyang kay lambot. Kahit antok na antok pa ay pinilit nyang imulat ang mga mata para malaman kung ano ba ang mga bagay na ito. Malabo pa ang paligid nang una nya itong makita hanggang sa unti-unti na itong lumilinaw sa paglipas ng ilang minuto. Umupo na din sya para mas masilayan ang buong paligid. Ang lugar ay malinis at maliwanag. Napakaganda ng lugar na ito kahit simple lamang ang desenyo. Ang pader ay kulay puti, may kabinet na nakadikit sa dingding at ang mga gamit dito ay mahatang mamahalin. Napasilay sya sa kanyang hinihigaan, isang malaki, malambot at kumportableng kama. Napahinga din sya ng maluwag dahil sa nadaramang lamig galing sa aircon. 'Sana laging ganito kaganda ang panaginip ko', isip-isip pa nya habang nakayakap sa unan na mabango at malambot. Hindi niya maiwasang di isubsub ang mukha sa unang kanyang yakap yakap, mula dito ay amoy nya ang matapang pero mabangong amoy ng lalaki. Nakakapagtaka sapagkat pamilyar ang amoy na iyon pero hindi niya alam kung saan niya eksakto nalanghap ang amoy na iyon. Bago pa maguluhan lalo ay minabuti na lamang niyang isinawalang bahala iyon at tumayo para na lamang para makalabas ng kwartong ito. Pagbaba niya ng kama ay doon niya napansin ang kanyang kasuotan. "T-Teka, bakit ganito ang suot ko?" kinakabahang tanong pa niya sa sarili. Nasa ganoong siyang sitwasyon ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Napatitig siya sa lalaking pumasok. Matangkad ito at malaki ang katawan, ang gwapo nitong mukha ay parang mga artista na nakikita lamang sa TV. Habang nakatitig ito sa kanya ay napansin niya ang kakaiba nitong paraan ng pagtingin, para bang masayang-masaya itong makita siya ganun din ang nakakalokong ngisi na nakapaskil sa gwapo nitong mukha habang sinusuri ang kanyang katawan. Dahil sa hiya nang mapagtanto na wala siyang suot na shorts kung hindi isang malaking T-shirt lamang ang tumatakip sa maliit at payat niyang katawan ay di niya maiwasan na di mapahiya habang pilit ibinababa ang laylayan ng Tshirt na suot. Napatungo siya sa hiyang nararamdaman habang nagbabaga sa init ang kanyang pisngi. Halos mahilo siya habang iniisip kung ano nga ba ang nangyayari at paano siya napunta sa sitwasyong ito. Habang nanginginig na nakatayo sa harap ng lalaking gwapo ay unti-unti bumalik ang alaala na naganap kagabi lamang. ●○●○●○●○ Habang nagtatago sa trunk ng sasakyan ay hindi niya inaasahan na makakatulog siya doon. 'Sigurado akong wala na ang mga iyon, baka pwede na akong lumabas,' isip-isip pa niya, habang dahan-dahang itinutulak ang pinto ng trunk para bumukas ito. Nang makalabas siya ng maayos ay kadiliman ang sumalubong sa kanya at dahil hindi pa nag aadjust ang kanyang mga mata sa dilim ay hindi niya maaninag ang paligid. Makalipas ang ilang sandali, bigla niyang naitaas ang isang kilay dahil sa pagtataka nang makita ang lugar na kinalalagyan niya ngayon. Wala na siya sa parking lot kung saan siya nagtago kanina. Ang lugar ay parang isang garahe, malaki ito at malinis. Dahan-dahan siyang naglakad sa gilid ng pader upang mahanap ang switch ng ilaw. Hindi nga siya nagkamali, nasa garahe siya sa loob ng isang bahay. Sinilip niya ang mataas nitong gate, mahigpit at imposible na itong mabuksan pa. 'Hayss mukhang nadala ako nang umuwi ang may ari ng sasakyan. Paano kaya ako makakalabas dit-- KRUUU~' naputol ang kanyang pag iisip nang kumulo ang kanyang tiyan dulot ng gutom. Malungkot siyang napahimas sa kumukulong sikmura, problemado na siya ngayon tapos sasabay pa ang kanyang tiyan. Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na di mapailing dahil sa mga nangyayari. Babalik na sana siya sa loob ng trunk nang mapansin niya ang isang pinto sa di kalayuan. Nang makalapit ay napagtanto niya na kunektado ang pintong ito papasok sa bahay. Ayaw man niyang pumasok ay napilitan na siya dahil sa gutom. Dahan-dahan siyang naglakad papasok para di makagawa ng ingay at di magising ang may ari ng bahay. Ang loob ng bahay ay puno ng mga dekorasyong pang pasko, napakaganda at nakaka-ayayang pagmasdan. Pero kahit gaano kaganda ang buong lugar na ito, hindi nakalampas sa kanyang pakiramdam ang lungkot na bumabalot sa lugar na ito. Makalipas ang ilang sandali ay nahanap na rin niya ang kusina. Napatingala siya dahil sa taas at laki ng ref na kanyang kaharap. "God sorry po, hihingi lang po ako ng kaunting pagkain," dasal pa niya bago buksan ang ref. "Wow, ang daming pag kain," mangha niyang saad nang makita ang laman ng refrigerator. Kumuha siya ng pagkain, inumin at iba pa. Dinala niya ito sa lamesa at mabilis na kinain. "Ang sarap nun ah, nabusog ako," masayang bulong niya nang makalabas ng kusina. Pabalik na sana siya sa garahe nang madaanan niya ang malaking hagdan patungo sa second floor ng bahay. Habang nakatingin siya sa daan kung saan patungo ang hagdan ay may kung ano sa kanyang kalooban na nagtutulak para umakyat siya doon. Hindi niya namalayan na wala sa sarili niyang nabagtas ang daan paakyat, isang mahaba at magandang hallway ang bumungad sa kanya. Malaki talaga ang bahay na ito sapagkat maraming mga pinto siyang nakikita. Sa kanyang paglalakad ay bigla siyang napahinto sa tapat ng isang pinto. Pinaghalong kaba at antok ang kanyang nararamdaman habang nakatitig dito. Kusang gumalaw ang kanyang mga kamay at dahan-dahang binuksan ito. Maglakad siya sa loob at ---. ●○●○●○●○ Halos mapatalon si Tristan sa pagkabigla nang marinig ang malakas na pagtawa. Mabilis siyang napatingala para silayan ang nangyayari. Nasaksihan niya ang masaya at napakagandang ngiti sa mukha ng gwapong lalaki habang tumatawa ito. Parang nahipmotismo siya dahil sa tunog ng pagtawa nito na nagdala sa kanya para mapatitig dito. Dahil sa lalim ng iniisip ay di niya napansin ang paglapit nito. Nagitla na lamang siya nang mapansin na kay lapit na nila sa isa't isa. Napatingala siya para makita ang gwapo nitong mukha, nakatingin naman ito sa kanya ng may pagtataka at halong pag aalala saka nagsalita. "Are you okay? May masakit ba sayo?" saad pa nito habang ini-eksamina ang kanyang katawan. "O-Okay lang ako," nauutal na sagot niya dahil sa hiya. Paglapat ng malaki at mainit nitong kamay ay nagdadala ng mumunting kiliti sa kanyang katawan. Hindi lamang iyon ang bagay na nagpagulat lalo na nang mabilis at masayang-masaya itong yumakap sa kanya. "Salamat, tapos na din ang matagal kong paghahanap," anito, kaya lalo siyang naguluhan. Sinundan pa nito ng isang bulong. "Sa wakas narito ka na. Hinding-hindi na tayo magkakahiwalay ulit." Nagtataka siyang lumayo ng kaunti dito upang magkaroon ng pagitan sa kanilang dalawa bago tanungin ito. "Anong ibigsabihin mo? Magkakilala ba tayo?" Pansin niya ang pagkabigla sa mukha ng lalaki, may matinding kalungkutan ding bumakas sa gwapo nitong mukha kaya parang nakunsensya siya sa sinabi kahit tunay namang hindi niya ito kilala. Natahimik ng ilang segundo ang lalaki bago muling humarap sa kanya na parang walang nangyari. "N-Nothing, haha kamukha mo kasi yung kakilala ko. Sorry," natatawa pang anito, habang napapahimas sa batok. Tumango naman siya kaya nagtanong muli ito sa kanya. "Gutom ka na ba?" nakangiti na muli nitong saad. 'Parang si flash ang ekspresyon ng lalaking to, parang kanina masaya, tapos malungkot tapos masaya na ulit. Ano ba yan?' napapakamot sa ulong aniya pa sa kanyang sarili. Wala naman siyang balak na kumain pa dito, hiya na lamang niya dahil sa ginawang pangloloob sa tirahan nito kagabi. Hihingi na sana siya ng tawad at magpapaala kung di nga lamang may pagka- traydor ang kanyang sikmura. "Ah naku, okay lang ako. Kailangan ko nang umalis, pasensya na sa lahat ng a--" "Kruuuuee~" malakas na tunog pa nito. "Good to hear that, come on," anito, na nakangisi pa sa kanya. Mukhang ang tinaggap na sagot nito ay ang tunog galing sa kanyang tiyan. Magpoprotesta pa sana siya kung hindi nga lamang hinawakan nito ang kanyang kamay. Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay di na siya nakatanggi pa lalo na nang hilahin siya nito palabas ng kwarto. Habang pababa sa maganda at eleganteng hagdan ay di niya mapigilang mapatingin sa matipuno at malapad na likuran ng lalaking may hawak ng kanyang kamay ngayon. Namumula ang kanyang pisngi ng mapagtanto na gusto niya ang pakiramdam ng magkasugpong nilang mga kamay. Nang makababa sa hagdan ay nadaanan nila ang malawak na living room, kung maganda na ito sa paningin niya kagabi. Mas maganda pala ito pag maliwanag, kitang-kita ang makikinang at makukulay na palamuti sa buong paligid. "Hey," mabilis na napabaling siya nang marinig ang malalim na boses. Hindi niya napansin na nasa loob na pala sila sa kusina. Ngayon ay parang tumulo na sa sahig ang kanyang laway dahil sa dami ng pagkain na nakahayin sa mesa. Mukhang masasarap lahat ng ito, hanggang ngayon naniniwala pa rin siya na nasa loob pa rin siya ng panaginip. Imposible kasi na mangyari ito sa tunay niyang buhay. Ang gumising sa mala-mansion na bahay, may makilalang mabait at gwapong lalaki ganun din makakain ng masarap na pagkain. 'Malaking impossible talaga.' isip-isip pa niya. Pinaupo naman siya nito sa isang sila at umupo din sa kanyang tapat. Ngumiti muli ito saka itinuro ang mga pagkain sa harap. "Come on let's eat, ngayon na lang ako naghanda, hindi na kasi tayo nakapag noche buena kagabi." Naguguluhan man pero pinili na lamang niyang tumango pasang ayon sa pahayag nito. Habang nakaharap sa mga pagkain ay dahan-dahan siyang kumuha ng gusto niya. Una ay fried chicken, spaghetti at iba pa. Dahil sa pagkasabik sa pagkain ay naging sunod-sunod ang kanyang pagsubo. 'Panaginip naman ito kaya susulitin ko nang kumain. Siguradong maglalaho na lahat ng ito pag nagising ako.' aniya sa isipan. Hindi niya pansin na pinagmamasdan lamang siya ni Cleo. Tuwang tuwa ito dahil mukhang nagustuhan niya ang niluto nito. "Ito pa tikman mo din," anito pa sabay lagay ng pagkain sa plato niya. Nagpasalamat siya at nginitian ito ng malapad. Napansin naman niyang napaiwas ito ng tingin habang nababahidan ng pamumula ang pisngi nito. 'Hindi lang sya gwapo, cute din.' Napatighim naman ito at kumuha ng table napkin para punasan ang kalat sa kanyang labi. Oras naman iyon para siya ang pamulan ng pisngi, napangisi naman ito sa kanya na may halong pang aasar. Napasimangot naman siya at umiwas ng tingin dito. Hindi niya inaasahan na dudukwang ito palapit sa kanya. Huli na ng ma-realize niya ang ginawa nitong paghalik sa kanyang ilong. Bago umupo ay bumulong pa ito na lalong nagpa-init sa kanyang buong mukha. "Cute."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD