“Karina, ano ang ginawa mo? Bakit ka pinapatawag ni Don Manuel?” habang papasok sa loob ng mansion ay tanong ni Aling Rosita pagkatapos nitong personal na tawagin ang babae.
Mabilis ang ginagawa ng mga itong paghakbang ng mga paa habang magkasabay na naglalakad. Alam kasi ng mga itong naghihintay na si Don Manuel at base sa narinig na boses nito kanina ay puno pa rin ng galit ang lalaki.
Napakunot ang kanyang noo sa itinanong ng mayordoma. Medyo hindi pa kasi nagsi-sink in sa utak niya kung anong dahilan at pinapatawag siya ng Don. Kani-kanina lang kasi ay ang saya pa nila ni Erwin habang tinuturuan siya nitong magbasa sa labas ng mansion. Wala na silang trabaho noon kung kaya napagpasyahan niya na lang na tawagin ang lalaki upang magpaturo magbasa dito, na madalas naman nilang ginagawa bago pa matulog sa gabi.
“Hindi ko po alam kung bakit, Aling Rosita,” sagot niya. Nasa gitna siya ng pag-iisip nang bigla niyang maalala ang tungkol sa nangyari noong isang gabi. Ang pagpunta niya doon sa loob ng natatanging kuwarto na mahigpit na ipinagbabawal na pasukin ng lahat ng kasambahay.
Biglang bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Siguro nga ay tungkol iyon doon kaya siya nito pinapatawag ngayon. Wala naman na siyang naiisip na iba pang dahilan. Pero bakit ngayon lang siya pinatawag nito eh ilang araw na ang nakakalipas magmula noong mangyari iyon? Ang buong akala niya nga ay tuluyan na iyong nakalimutan ng Don dahil ilang beses na rin naman silang nagkakasalubong sa loob ng bahay nito at wala naman itong sinasabi o wala itong reaksyon sa tuwing nagkikita sila. Patunay ang magandang pakikitungo nito sa kanya noong iabot nito ang gamot para sa kanyang sugat.
“Sigurado kang wala kang ginawang hindi niya nagustuhan ha?” paninigurado ng mayordoma. Tila ba hindi ito kumbinsado sa sagot ng babae. First time lang kasi itong nagpatawag ng iba pang katulong.
“O-oo naman po,” sa kaba ay nauutal na niyang sagot. Kung tungkol man sa nangyari noong isang gabi ang dahilan kung bakit siya pinapatawag ng Don ay ayaw na niyang ipaalam pa kay Aling Rosita. Paano’y sa maikling panahon na pananatili sa loob ng mansiong iyon pansin niya na agad na maiksi lang din ang temper ng mayordoma. Mas madalas nga niya itong makitang magalit kesa kay Don Manuel. At tsaka kung si Sheena nga na pumasok rin sa kuwartong iyon noong maabutan siyang paparusahan na ng Don ay tikom rin ang bibig tungkol doon eh, so pipiliin niya na lamang na huwag na ring magsalita para lang hindi na lumaki iyon at wala nang madamay pang iba.
“Don Manuel, nandito na po si Karina,” matapos kumatok ng ilang beses ay saad ng matanda nang marating nila ang opisina ng doktor sa pangalawang palapag ng bahay.
Hindi na nila narinig ang sagot ng lalaki, bagkus ay pinagbuksan na sila ng pinto nito. Habang hawak sa kanang kamay ang isang basong may lamang alak ay sinenyasan nito ang babae sa pamamagitan ng paggalaw ng mga mata na ibig sabihin ay pumasok na sa loob ng kuwarto. Nang tuluyan siyang makapasok ay isinarado nito ang pintuan sa harapan ng mayordomang hanggang ngayon ay naiintriga pa rin sa mga nangyayari.
Namilog ang mga mata niya sa nakitang nagkalat na mga gamit ng Don pagkapasok pa lamang sa loob ng opisina nito. Dahil doon ay walang pagdadalawang isip na agad na niyang dinampot ang laptop nito kasama na ang mga nagkalat na mga papel sa paligid.
“What are you doing?” tanong ng Don sa kabila ng wala pa naman itong inuutos sa babae.
“Po?” sagot niya habang busy sa pagpulot ng mga bagay bagay sa sahig.
“I said, what are you doing?” mahahalata na ang pagkayamot sa tono ng pananalita ng lalaki.
“Nililigpit po ang mga gamit ninyo. Di ba po ito ang dahilan kaya pinatawag n’yo ako? Para magligpit dito?” saad niya habang iniipon ang mga papel sa kanyang braso.
“Stop it!” bulyaw ng Don. “Hindi ‘yan ang dahilan kung bakit ipinatawag kita dito,” saad pa nito.
Natigilan siya bigla at nailagay sa lapag ang mga bagay na kasalukuyang nasa bisig. Dahan dahan siyang tumayo at pumaharap dito habang nakatungo. Mukhang ang nangyari nga noong nakaraang gabi ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon sa loob ng opisina nito. Baka ipagpapatuloy lang nito ang parusang hindi nito naibigay sa kanya dahil sa pagsulpot ni Sheena. Dahil doon ay napalunok siya ng laway at bumalik ang kaba niya sa dibdib.
Samantalang umismid ang lalaki. “Tirik na tirik ang araw pero nakita ko kayo ni Erwin na naghaharutan sa may hardin. Wala ba kayong trabahong kailangang gawin?” magkasalubong ang mga kilay na saad nito sa babae.
“P-po?” agad siyang napatingin sa Doktor sa ipinaparatang nito sa kanya. First of all, hindi naman sila naghaharutan ni Erwin, at wala na silang pinagkakaabalahan noong mga oras na iyon kaya napagpasyahan niyang magpaturo kay Erwin ng pagbabasa. Hindi niya lang akalain na sa tagong side ng hardin ay makikita pa pala sila ng Don.
“Hindi ako nagpapakapagod magtrabaho para lang ipangpasweldo sa mga trabahador ko na walang ginawa kung hindi magpapetiks-petiks at magharutan lang sa buong maghapon,” may diin ang bawat salitang binitawan nito sa kaharap.
Napailing siya ng dalawang beses. “Hindi naman po ganun iyon, Don Manuel,” wala sa isip niyang dipensa dito. Gusto niyang sawayin ang sarili sa pagsagot dito pero mali naman kasi ito sa inaakalang ginagawa nila.
“So, ano sa tingin n’yo ang ginagawa ninyo, aber?” halos tagos-tagusan ang tingin na ginagawa nito sa babae.
“Nag-uusap lang po kami, Don Manuel,” maiklli niyang sagot na mariin pang hininaan ang boses. Kailangan niya kasing magsinungaling para lang hindi na madamay pa roon si Erwin na nagmamagandang loob lang naman sa kanya.
“Nag-uusap? Sigurado ka?” medyo naitaas nito ang boses sa pagtatanong na iyon.
“O-opo,” tila na-rattle naman siya kaya nautal ng konti.
Sa isinagot niyang iyon ay tila bumalik ang matinding pagkayamot ng lalaki. Nagsalin ulit ito ng alak sa basong dala-dala at muling tinungga iyon. Pakiramdam nito’y hindi nagsasabi ng totoo ang kasambahay. Kitang kita naman kasi talaga ng dalawang mga mata nito kung anong ginagawa ng mga ito kanina. At sigurado itong hindi lang iyon simpleng pag-uusap lamang.
Pagkalunok ng iniinom nitong likido ay padabog nitong ibinaba ang kamay. Hindi tuloy nito sinasadyang dumulas ang hawak-hawak na baso at tuluyang mabitawan. Nagdirediretso ito sa konkretong sahig at pirapirasong nabasag.
Nagulat siya sa ingay na dinulot noon at sa hindi malamang gagawin ay napaluhod na lamang sa mismong harapan nito upang simulang linisin iyon.
While, Don Manuel find it awkward sa ginagawang posisyon ng babae. Wari kasi ay mabilis na pumasok sa isipan nito ang isang bagay na madalas nitong ipagawa sa isang kaniig na babae. Ang lumuhod sa harapan nito upang isubo ang --- Dagli nitong ipinilig ang ulo at iwinaksi iyon sa isipan. Kapagkuwan ay napaatras ito.
“Hayaan mo na ‘yan,” mariing utos ng Doktor.
Pero tila hindi niya narinig ang sinabi nito. Nagpatuloy siya sa ginagawa. Isa-isa niyang pinulot ang mga basag na parte ng baso nang biglang marinig niya ang malakas na boses ng lalaki.
“For God sake Karina, itigil mo na yan!”
Dagli siyang nag-panic kaya napadiin ang paghawak niya sa tipak tipak na bubog ng baso dahilan ng pagkasugat ng kamay. Dahil sa sakit na naramdaman at mabilis na pagdurugo no’n ay nabitawan niya ang mga matulis na bagay. Sinubukan pa niyang itago ang mga kamay mula sa lalaki sa pamamagitan ng pagpwesto ng mga ito sa kanyang likuran.
“Sorry po, Don Manuel. Sorry po,” habang nakatungo ay ilang ulit siyang humingi ng paumanhin dito.
“Ano ba Karina, simpleng instruction lang hindi mo pa masunod! Di’ba sinabi ko na kuwag mo nang pulutin, pero ginawa mo pa rin! Ano bang meron sa kokote mo? Hindi ka ba nakakaintindi?” muli nitong bulyaw sa kaharap.
“Sorry po Don Manuel, hindi na po mauulit,” tila nasaktan ang ego niya sa narinig mula dito. Gusto niyang umiyak sa sinabi nito pero kailangan niyang pigilin. Naintindihan naman niya talaga ang sinabi nito pero dahil sa galit na pinapakita nito ay hindi na nagpa-function ng maayos ang utak niya.
“Could you please stop saying sorry!” pinanlakihan na nito ng mga mata ang babae. “Pwede ba, umalis ka na sa harapan ko!” saad nito sa katulong na sa stress na nararamdaman ay nagparoo’t parito ang paglalakad. Nang makitang hindi pa kumikilos ang kausap ay tumigil ito at hinarap ulit ang katulong. “Get out of here and leave, this instance!” marring utos pa nito kasabay ng pagturo sa pintuan.
Nakaramdam siya ng panic sa huling sinabi ng lalaki. Tama ba ang pagkakaintindi niya? Pinapalayas na siya nito? Dahil doon ay mabilis na namula ang kanyang mga mata, at sa isang saglit lang ay dumaloy na ang mga luha sa kanyang pisngi. “Po? Huwag naman po. Hindi ko po alam kung saan pupunta. Promise po, hindi na po mauulit,” ipinasaklob niya ang mga palad sa sinserong paghingi ng paumanhin sa ginawa. Ganito ba talaga ka-strikto ang lalaking ito? Sa isang simpleng pagkakamali lamang ay papalayasin na siya agad sa pamamahay nito? Eh kahit hindi siya totally nagsasabi ng totoo ay wala naman siyang ginagawang masama.
“Anong pinagsasabi mo dyan?” ang galit nito ay napalitan ng pagkalito sa inakto ng babae.
“Hindi po ba, pinapalayas n’yo na ako? Wala na po ba akong trabaho? Huwag naman po, parang awa nyo na,” nagpatuloy ang kanyang paghikbi.
Napailing lang ang lalaki. Hindi naman kasi iyon ang ibig sabihin nito.
“Promise po, hindi na ako makikipag-usap ulit kay kuya Erwin. Hindi naman po talaga kami naghaharutan. Nagpapatulong lang po ako. Nagpapaturo po ako kung paano magbasa. Yun lang po talaga. HIndi po kami naghaharutan ni Kuya Erwin,” ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata niya ay nasamahan na rin kaonting paghikbi.
Tila natameme naman ang Doctor sa narinig mula sa babae.
“Did I hear it right? Nagpapaturo ka lang magbasa?” bumaba ang tono ng boses nito na tila ba tinitimpla ang emosyong nakikita mula sa babae. Sa ginagawang pag-iyak ng kausap mukhang mali talaga ang akala nito.
Pinunasan niya ang luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata bago nagsalita. “Opo, Don Manuel. Pero parang awa n’yo na po. Alam ko po hindi po ako karapat dapat sa trabaho ko bilang tagapagluto ninyo dahil sa kakulangan ko sa edukasyon, pero ginagawa ko naman po ang lahat,” tuluyan na niyang sinabi dito ang itinatagong sikreto habang humihikbi.
“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang tungkol diyan noong unang araw mo palang dito, Karina?” ang galit na nararamdaman nito ay napalitan ng konting pagsimpatya sa babae. Napansin rin nito ang ilang pagpatak ng dugo na nagmumula sa kamay ng kasambahay. Nakita nitong nasugatan ang babae kanina noong subukan nitong linisin ang nabasag na baso pero hindi nito akalain na lilikha iyon ng ganoong karaming dugo.
“Natatakot po kasi ako na hindi niyo ako tanggapin bilang kasambahay ninyo. Wala na po kasi akong trabahong babalikan dahil mas pinili ko pong mag-apply dito kesa manatili sa amo ko dati,” paliwanag niya.
Naidiin ni Don Manuel ang pagpikit ng mga mata sa biglaang naramdamang prustrasyon. Totoo naman at mahigpit ito sa mga kinukuhang kasambahay sa loob ng mansion nito. Dinagdagan pa ni Aling Rosita na sobrang metikulosa pagdating sa pagha-hire ng mga taong magtatatrabaho sa bahay na iyon. In fact, nakatuntong sa kolehiyo ang lahat ng mga katulong nito. Kung nalaman lang ng mayordoma noon pang una na hindi pala marunong magbasa ang babae tiyak na hindi nga ito magkakaroon ng pagkakaton na makapagtrabaho doon. Pero sa nakikitang kalagayan ngayon ng babae ay may awa itong nararamdaman dito.
Kumilos ito, naglakad papunta sa isang kabinet, at mula sa isang honus ay may kinuha.
“Come here,” pagalit na saad nito nang kunin ang first aid kit na naroon. Gusto man nitong makisimpatya sa babae pero dahil nagsinungaling pa rin ito ay hindi nito magawang alisin ang galit sa dibdib.
Nalaman naman agad ni Karina ang gustong gawin nito pero tumanggi siyang lumapit sa lalaki. “Okay lang po ako, maliit na sugat lang po ito,” saad niya habang pinipigilan ulit sa pagdurugo ang nasugatang kaliwang palad.
Umismid ang lalaki at ipinakita ulit ang matapang na rehistro ng mukha nito sa kasambahay.
“I said come here, Karina,” madiing saad pa nito.
Dahil doon ay dagli na siyang lumapit dito at inilahad ang kamay na nasugatan.
Agad namang pinunasan iyon ng Doktor ng kinuhang maliit na gasa. Nang malinis na ang sugat ay walang sabi-sabing binuhusan iyon ng antibacterial liquid.
Napapikit siya sa hapdi na naramdaman. Ang isang kamay niya ay napakapit din sa braso ni Don Manuel. Ngunit napamulat din siya agad nang hilahin nito ng bahagya ang kanyang kamay.
“Karina, kapag may iniutos ako, wala kang ibang gagawin kung hindi sundin ako, naiintindihan mo?” saad nito habang diretsong tinititigan sa mga mata ang babae. Pagkatapos ay nilagyan nito iyon ng band aid.
“Opo, Don Manuel,” kasabay ng ilang pagtango ay tugon niya.
“Now, makakalabas ka na sa kuwartong ito. Tawagin mo ang iba pa para tulungan kang maglinis dito,” huling utos nito sa babae.
“Opo, Don Manuel,” muli niyang sagot.
Pagkalabas ng kuwarto ay pinunasan niya ang natitirang luha sa kanyang mga mata. Inayos at pinakalma ang sarili bago tuluyang bumaba sa unang palapag ng bahay. Medyo lumuwag na ang kanyang pakiramdam ‘di gaya kanina na halos malaglag ang puso niya sa ipinakitang galit ng lalaki. Grabe ang ginawang pagwawala nito sa loob ng sariling opisina. Siya ba ang dahilan kung kaya ginawa nito iyon? For a moment ay naitanong niya ang sarili, mali yata na minahal niya ang lalaki. Mali yata na pumasok siya bilang kasambahay nito. Pero dagli rin niyang kinundina ang sarili sa pag-iisip ng mga bagay na iyon dahil ang totoo ay may rason naman talaga ito kung bakit nag-react ng ganoon. Kahit naman kasi sinong amo ay magagalit kapag pinagsinungalingan ng isang katulong.
Dagling binalikan ng kanyang alaala ang scenario noong hawakan nito ang kanyang kamay nang gamutin nito ang kanyang sugat. Tila may magandang hatid iyon sa kanyang puso. Isang pagpapatunay na may malasakit sa kanya ang lalaki. Na sa kabila ng nalaman nito ang totoong sikreto niya ay hindi pa rin siya nito inalisan ng trabaho.
Noong mga oras na iyon, isa lang ang napagtanto niya. Gagawin niya ang lahat para kay Don Manuel. Ang lalaking kahit anong klaseng ugali ang ipakita sa kanya, kumbensido siyang mabuti ito.