NARINIG ni Feliza ang pagbagsak ng katawan sa sahig at nasasaktang ungol. Napamulat siya ng mata at tumabad sa kanya ang duguang katawan ni Damien, na nakahandusay sa sahig. Dalawang putok ng baril ang narinig niya kanina at napansin niyang hindi lang katawan ni Damien ang may dugo, kundi pati ang mukha nito. Bigla siyang nakadama ng pag-aalala sa asawa at lalapitan sana ito, nang may humawak sa balikat niya. Paglingon niya si Stephan. "You need to get out in this place, Feliza," seryosong sabi nito. Hindi niya na nagawang magsalita pa dahil lumapit sa kanila si Luna, na may hawak na baril at madilim ang mukha. Lumagpas ito sa kanila at nilapitan ang nakahandusay na katawan ni Damien. Pumutok na naman ang baril at napaungol sa sakit na naramdaman si Damien. "Tama na!" sigaw niyang pigil

