"GALIT na galit sa akin si Luna. Bakit ko raw pinayagan na lumuwas ka ng Maynila at harapin si Damien," nagrereklamong sabi ni Ion kay Feliza. Nagbabiyahe na sila patungong Subdivission, nang kinaroroonan ng bahay ni Damien. Nasa Maynila na sila at napapayag niya ngayon si Ion na lumuwas na sila sa Maynila at harapin niya si Damien, pero nagbanta ito na sa oras na magtangka si Damien, na saktan siya ay babarilin ito ni Ion at wala raw itong pakialam kahit mapatay pa ni Ion si Damien. Naniniwala si Feliza, na hindi aabot sa ganoong pangyayari, naniniwala siya na mahal siya ni Damien at hindi nito magagawang saktan siya, kaya malakas ang loob niyang harapin ito at kausapin, saka siya babalik sa probinsiya at hindi na magpapakita kay Damien. Iyon na lang ang magagawa niya dahil tingin niya

