PAGMULAT ng mga mata ni Damien, si Stephan ang kaagad sumalubong sa kanya, nagbabalat pa ito ng apple. Nagulat pa si Stephan, nang makita siyang nakadilat ang mga mata at napatayo ito sa kinauupuan. Dama niya ang pangmamanhid ng katawan niya at medyo umiikot pa ang paningin niya, marahil sa gamot na inilagay sa katawan niya. "Jim, how are you? What do you feel? Do you want to drink water- "Don't worry, I'm okay," putol na niya sa sasabihin pa sana nito. "Good." Napuupo na ito ulit sa upuan,"pinag-alala mo kami," sabi nito. "What happened and how did you know where I am?" "Si Luna, ang unang nakaalam. Alam mo naman iyon, maraming connection." "Bakit niligtas ako ni Luna, akala ko ba- "Parang hindi mo naman kilala si Luna, hindi naman tayo matitiis n'on eh," nakangiting sabi na ni St

