NAPAKURAP-KURAP si Damien, na napatitig sa babaeng nasa harap niya. "Bakit lumabas ka? Sana tumawag ka na lang sa telepono," sabi pa nito sa kanya. "T-totoo ba itong nakikita ko ngayon?" tanong niya, na ikinakunot ng noo nito. "Kadarating ko lang din kanina, kaya siguro hindi mo alam. Wala kasi ako, nang dumating ka, may inasikaso kami at ngayon lang din ako dumating. Naiwan kila Tita, si Lion," anito. "F-Feliza!" bulalas niya,"b-buhay ka?" Lalong nangunot ang noo ni Feliza, na napatingin sa kanya. "Hindi pa ba binawi nila Luna, ang sinabi nila sayo?" tanong nito sa kanya pero hindi na niya inintindi iyon at kahit may sugat pa siya sa paa at masakit pa rin ito ay pilit siyang tumayo para lapitan ito."Damien, ang sugat mo!" sita nito sa kanya. Mabilis niya itong nilapitan at mahigpit

