At may limang segundong katahimikan mula sa aming dalawa habang may mahinhing hangin na dumaan sa amin.
"S...sino ka?" tanong ko sakanya.
_______________________
"H-ha?" saad nung lumulutang na lalaki at kinusot ko ang aking mata at baka nag-hahallucinate lang ako, at nakikita ko parin siya.
Hindi ko alam kung sisigaw ako o maaamaze sa nakita ko, I can see ghosts?!
"S-sino ka, at multo kaba!" nataranta kong tanong habang tumingin naman sya sa kanyang paahan at parang nataranta rin sya.
"H-ha?! nakikita mo ako?!" sabi nya habang tinuturo nya ako at sya.
"...Oo.." sabi ko habang nakatitig sa lalaki
"Paano nangyari yun? ilang tao na nakasalumuha ko pero ikaw lang nakakita sa akin! May third eye kaba?" ani niya nang gulat.
"H-hindi ko rin alam eh! B-bigla nalang kitang narinig na nagsasalita kaya napatingin ako sayo t-tapos nakalutang ka nalang sa ere!" natataranta kong paliwanag habang inikutan nya ako habang siya'y nakalutang.
Tumingin naman sya sa akin habang nakahawak sa kaniyang baba, "Hindi ko alam kung anung nangyayari pero-" bigla nalang syang sumulpot sa harapan ng aking mukha at sinabing.
"Gusto mo ba akong samahan sa paglakbay sa Boundary?" imbita nya sabay ngiti sakin.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero mas nakilatis ko ang itsura nya, meron syang malalaking mata, chubby na pisngi, maliit at matangos na ilong at may dimple kapag ngumiti sya, at isa pa parang mas maliit sya sa akin.
Tumingin ako sa ibang direksyon kasi ang lamig ng kanyang katawan kahit na hindi ko sya nahawakan. "B-bakit...?" ang tangi ko na lamang tanong dahil nawala ako nung kinilatis ko ang kanyang mukha.
"Bakit huh..." sabi nya at hinawakan nya ulit ang kanyang baba at nagisip.
"Kase mas masaya kapag may kasama?" nanlaki ang aking mga mata, di ko inaasahan na iyon ang kanyang sasabihin dahil ang nasa isip ko ay kikidnapin nya ako at papatayin sa takot. 'Ang sama ko naman magisip...' ani ko sa sarili ko.
"Teka, ano ba itong Boundary na sinasabi mo?" tanong ko sakanya habang umupo nman sya pero nakalutang paren sa ere.
"Yung sinasabi kong Boundary, yun yung tawag sa isang invisble wall na nagseseperate sa mga namatay at iba pang kakaibang nilalang sa mga buhay sa mundong ito..." ani nya at tinitigan ako.
"B-bakit?" tanong ko.
"Tinitignan ko kung paano yung pamumuhay mo from the last 3 days na panonood ko sayo" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. "Pinapa..nood moko?" tanong ko.
"Oo, mula sa paggising mo hanggang sa pagtulog mo"
"Lahat ng ginagawa ko?" tanong ko.
"Lahat lahat" sagot naman niya.
Tinakpan ko naman ang aking dibdib at tinignan ko siya ng masama, "T-teka! H-hindi! except lang naman doon!" dependa niya.
Nakahinga ako ng malalim, "Pero, bakit moko pinapanood?" tanong ko.
"Kasi parang may kakaiba sayo.." sabi nya, hindi ko alam kung matutuwa ako o kakabahan sa sinabi niya.
"P-para kasing may aura ka na....h-hindi ko maintindihan pero anlakas nung impact sa akin...para ka kasing energy ball na nakakaattract eh...GRRR!" pilit nyang pinaliwanag sa akin pero natawa lang ako sa pagpapaliwanag nya.
"Kakaiba ka kasi doon sa ibang may mga third eye na nakita ko, anlakas kasi nung aura mo eh. Kaya ikaw yung natanong ko na baka pwedeng sumama sa paglakbay ko sa Boundary"
At hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin o irereact ko...
"Wag kang magalala, iba yung Boundary sa Gate to Heaven kung nagaalala ka, yung mga nasa Boundary ay yung mga taong taga Far Shore lang nagiistay bago umalis papunta sa ibang mundo" sabi nya na may kasabay na ngiti.
"...Far Shore?" nalilito kong tanong.
"Pagkatapos kong mamatay, napunta ako sa Far Shore para maghinatay sa desisyon kung mapupunta ako sa Gate to Heaven o magiistay na lamang ako sa Far Shore. Sa case ko, naghihintay pa ako ng desisyon mula sa Gate of Heaven at habang dipa ako tapos, gusto kong libutin ang Far Shore" sabi nya ng may ngiti, siguro masayahin sya nung nabubuhay pa sya.
"Anu bang kinamatay mo?" bigla kong tanong at sinampal ko ang aking labi pero nasabi kona lahat. Tumingin naman sya sa akin.
"Binaril ako" ani nya while keeping a straight face.
"So, nahuli ba iyong pumatay sayo?"
"Hindi"
"Pero bakit parang wala ka nang pake dun? diba pinatay ka?" curios na tanong ko.
Tumahimik sya at humiga sa lupa habang nakataas ang kanyang dalawang kamay sa kanyang ulo. "Nagagalit ako, Oo, pero nung sinundan ko sya, nalaman ko na ginagawa nya lang iyon sa pamilya nya-" Bumangon sya at tinitigan ako.
"Ang maganda sa isang pagkamatay, marami kang narerealize na hindi mo narerealize nung buhay kapa, kaya swerte ka kasi buhay ka, kaya wag na wag mong sabihing gusto mong mamatay" turo nya sa akin, at natawa naman ako ng kaunti.
"Alam mo nga talaga yung mga nangyayari sa akin..." sabi ko habang napatingin sa puntod ng aking nanay.
"Gusto ko lang naman malaman kung anong nangyayari kapag namatay ka..." isang malakas na hangin ang pumampas sa akin habang unti unting nagdilim ang paligid.
"Kaya nga tinatanong kita.." sabi nya ng lumapit sya papunta sa akin at umupo sa harapan ko.
"Kung gusto mong lakbayin ang Boundary kasama ako"
Gustong gusto kong sumama sa kanya pero diko kayang iwanan ang orihinal kong mundo...
"Pasensya na pero ayoko" mahinhin kong sabi at nakita ko ang pagkalungkot at gulat sa kanyang blankong expression.
"B-b-bakit naman??! kala ko gusto mong malaman yung kamatayan?!"
"Oo gusto ko pero...diko pa ako nakakapag-desisyon..." halos ibulong ko nalang yung panghuli kong sinabi.
Tumayo naman sya at sinabing, "Pero ako nakadesisyon na. Ikaw ang gusto kong makasama sa paglakbay sa Boundary, Alphonse" sabi nya at napangiti ako doon.
Tumayo ako at hinarap sya, "Sana naman ay respetuhin mo ang magiging desisyon ko" sabi ko at unti unting umalis, "Bukas, kikitain ulit kita" sabi ko habang kumakaway palayo.
.
.
Natapos na ang aking klase habang naka-occupied ako sa mga nangyari sa sementeryo sa isip ko, ang dilim na ng paligid at nakaupo lamang ako sa isang upuan sa parke na malapit sa aking bahay.
Tumingin ako sa kalangitan at nalala ko ang mga nangyayari at doon sa lalaki, "Baka panaginip lang ito..." sabi ko habang pinisil ang mga daliri ko ng sobrang diin.
"Hindi....Ito panaginip?" sabi ko habang naalala yung lalaking nakausap ko sa sementeryo.
"Anu nga....ulit yung pangalan ng lalaking yun...?"