P|R|O|L|O|G|U|E
Alphonse's POV
Binuklat ko ang aking mga mapupungay na mata at naaninag ko ang sinag ng sikat ng umagang araw. Dahan-dahan akong tumayo at pinatay ang aking alarm na di ko namalayang tumutunog pala.
Lumakad ako papuntang kusina at nagprepare ng aking almusal habang kinukusot ang aking mata at humihikab. Napatingin ako sa kisame habang iniisip kung anong kakaibang mangyayari sa araw na ito.
Pero hindi ako nagsayang nang oras habang nagde-daydream ng imposible at nagbihis papuntang eskuwela.
.
.
Natapos nalang ang aking buong klase ng nakatitig ako sa labas ng bintana at iniisip kung ano ang itsurang nakikita ng mga namatay na. 'Argh! dahil nanood ako nung anime nayun at kung ano anong iniisip ko ngayon!' saway ko sa sarili ko kung bakit ang lalim ng aking pagiisip at kung bakit ako puyat.
.
.
Break time na at magisa nanaman ako sa gilid ng aming Canteen, habang patuloy na iniisip ang mga walang katuturang bagay. Nawala naman ako sa dagat ng aking pagiisip ng may biglang tumabi sa akin.
"Alphonse, patulong nga ako dito sa assignment ko sa Science" ani saken ng kaklase ko na si Lucy, alam kong ginagamit nya lang ako para sa mga grades nya pero wala akong pake, nagaganahan din ako minsan kapag naguusap kami.
Tinignan ko ang papel na inabot nya at sinabing, "Sige tutulungan kita dito, wala naman akong gagawin ngayon eh" at ngumiti sya at tinulungan ko sya sa kanyang gawain.
.
.
Uwian na at walang nakakaexcite na nangyari saken since start ng school, naglakad ako papunta sa isang Flower Shop at pumunta sa sementeryo...
Binaba ko ang mga bulaklak sa harap ng puntod ng aking nanay at lumuhod ako.
"Ma, maganda ba dyan?" ani ko ng mahina habang lumulubog ng unti unti ang araw.
"Ma, alam nyo bang birthday kona bukas? Panglimang taon natong birthday ko na wala ka" ani ko habang pahina ng pahina ang aking boses, at niyakap ko lamang ang aking nga binti at tinago ang aking mukha doon.
"...Simula nung namatay ka, hindi na ako makaiyak..At mas lalong lumala ang pagkauhaw ko sa kaalaman tungkol sa kamatayan..." ani ko habang sinusulyapan ang puntod ng aking nanay.
"I....I just want to say that...I miss you, but I can't have you back" habang biglang may tumulo sa aking kaliwang mata, kinapa ko ito at "Luha?...." madali kong pinunasan ang aking luha at tumayo sa aking pagkakaupo.
"Happy Birthday sa akin....Goodbye ma" sabi ko habang unti unting layo sa puntod ng aking nanay.
.
.
Gumising ulit ako sa panibagong araw at tumayo ako at ginawa ang dapat kong gawin bago pumasok.
Kinukusot ko ang aking mata at nakita nanaman ang gitara na minsang nilalaro sa akin ni mama na nasa gilid ng aking cabinet.
Iniwasan ko ito pero binalikan ito at dinala papunta sa eskuwela.
.
.
Binisita ko muna ang puntod ng aking nanay habang may hawak akong maliit na mamon bago pumasok. At walang tao ngayon dahil sobrang aga ako pumunta.
"Happy Birthday" sabi ko bago umupo at nilapag ang mamon sa harap ng puntod ni nanay at nilagyan ng isang kandila.
"Ma, ngayong taon magiging 18 na ako....Hindi ako makapaghintay kung anung kakaibang mangyayari sa buhay ko" ani ko habang nakatitig sa puntod.
"Ma, nahanap ko ulit itong gitara na minsan mong pinapatugtog sa akin" ani ko at pinatugtog ito ng tonong pinapatugtog sa akin ni mama.
Natapos ito at humangin ang paligid, binaba ko ito at tumingin sa puntod niya. "I really miss the way you play that music to me..." ani ko.
"Minsan, sa mga nababasa kong mga nobela, tuwing nagiging 18 dun yung main character may madidiskubrehan silang kakaiba at dun nagsimula ang kanilang laban..." saad ko habang may limang segundong hinto sa paligid. Sinindihan ko ang kandila sa mamon at pumikit ako ng sandalian at hinipan ko ito.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa puntod ni mama at biglang tingin sa walang katapusang kalangitan.
"Ma, Is it peaceful up there...?" sabi ko, as I clench my eyes at the absurd thought.
At humangin naman ang paligid at nagsisayaw ang mga sangay ng puno sa paligid ko, at napapikit nalang ako at nakahinga ng malalim.
"Not really-"
Biglang nanlaki ang aking mga mata at tumingin sa direksyon ng boses.
"It's hard to talk to the living, tsaka marami kang nakakasalamuhang kinakatakutan kong dati-"
Mas nanlaki ang aking mata ng makita kong lumulutang yung lalaking may puting kasuotan at buhok sa ere.
"Kaya kung ako sayo, siguro mas peaceful ang mabuha-..." tumingin yung lalaki sakin at nagmeet ang gulat kong mata sa kanyang mahinhin at namumutlang mga mata.
At may limang segundong katahimikan mula sa aming dalawa habang may mahinhing hangin na dumaan sa amin.
"S...sino ka?" tanong ko sakanya.