4- Your Help

1146 Words
(Belle POV) "Sino?" Tanong namin. Lahat kami sabik na malaman kung sino ang makakatulong sa pagbalik ng alaala ng mga kaibigan kong bampira. "Kaya niyang ipaalala at ipakita ang nakaraan ng bawat isang bampira! Dahil sa nangyari sakanya, nakuha niya ang kakayahang ito. Isa sa kapangyarihan niya ay liwanag! She can bring back memories for letting you see your past," she paused. "Siya si Kaycee!" pahayag ni Ara. Lahat kami natigilan. Ang layo pa ng pinaghanapan namin at maraming panganib at takot kaming nilampasan para lang malaman ang solusyon ng problema namin tapos si Kaycee lang pala ang gamot. Magkahalong tuwa at pagod ang naramdaman ko. "Paano yan, si Kaycee mismo ay nakalimot sa kakayahan niya dahil isa din siya sa naapektuhan ng lason!" Dismayadong usal ni Teacher Irish. "Oo nga pala!" Sang-ayon namin. "Kung ganon, umisip kayo ng paraan para maalala ni Kaycee ang kakayahan niya upang matulungan kayo! Tapos na ang oras ko sainyo. Kailangan ko ng umalis," saad ni Ara. May solusyon na pero may kaakibat pang hirap. "Sa ngayon iasa na muna natin kay Xian ang tungkol kay Kaycee!" turan ni Thirdy. "Nasa sayo na nakasalalay Xi ang pag-asa nating lahat. Tulungan mo si Kaycee para makaalala at maibalik ang kakayahan niya upang matulungan ang ating mga kaibigan." Sang-ayon ko kay Thirdy. "Paalam!" bulalas ni Ara at bigla na lang naglaho. Di man lang kami binigyan ng pagkakataon pasalamatan siya. Bigla na lang nagliwanag ang lahat, di kagaya kanina nung hinahanap pa namin si Ara. Nahawi rin lahat ng harang na mga halaman at tinik. Salamat Ara. *** (Kaycee POV) I wake up in here inside this unfamiliar room. Lahat ay okay naman noong una hanggang sa napag-alaman ko galing sa nagngangalang Xian na isa na pala akong bampira! Paano? Bakit di ko maalala kung bakit ako naging bampira? Sobrang naguguluhan ako! Kahit ba sinabi na ni Christie sa akin na nalason nga ako ng buzzardspane dahilan ng pagkawala ng ala-ala ko. Sino bang di maguluhan kung magising ka na lang isang araw at malamang bampira ka pero di mo alam ang dahilan kung bakit ka naging bampira? "Hey Kay, are you alright now?" Pukaw ni Christie sa akin. Sa pagkakaalam ko bahay ito ni Xian. Lahat naaalala ko, si Kaycee, si Belle ang pamilya ko. Pero ang tungkol sa pagiging bampira ko di ko maalala. Lahat ng bampira alam kong may kakayahan o kapangyarihan. Ako kaya meron? "Don't worry Kay, soon you will be home again, I know how much you miss your parents but you have to stay here for your safety. Don't worry I already told Aunt and Uncle that you are safe here with me. And Xian will be back soon to keep you company!" Dagdag pa ni Chris. "Xian? Who is he?" tanong ko. "He is your boyfriend." Boyfriend? How? "Hi, how are you doing?" Biglang sulpot ni Xian. Napalingon ako at napatingin sa bagong dating. "Your favorite person is here." saad ni Chris tukoy si Xian. "Where is Belle?" Tanong ko agad kay Xian. "Umuwi muna para ikuha ka ng magagamit." Sagot ni Xian nilapitan ako. "I have to go then. I'll be back Kay don't worry. Xian will take good care of you," paalam ni Chris. "I wish I could go with you home but I still don't know how to control my bloodlust, ayaw kong makasakit o makapatay ng tao." Dismayadong usal ko. "Don't worry, things will be back to normal soon. Iloveyou. I'll be back." Assurance ni Chris. "Tell Belle, I miss her," kako bago makalabas ng pinto si Christie. "Are you hungry?" Tanong ni Xian kaya nabaling ang mga mata ko sakanya. Masasabi kong isa siya sa mga cool na lalaking nakilala ko. "I want blood." saad ko. "You can always sucks mine," aniya abot ang braso niya. "Di ka ba natatakot sa akin?" "Bakit ako matatakot? Ngayon pa ba? Ilang beses mo na akong sinipsipan ng dugo," nakangiting sagot niya. "Di ka ba nasasaktan?" "Di naman masyado. Nangingibabaw kase ang kiliti sa kagat mo. Saka tama lang na uminom ka agad ng dugo habang di ka pa masyadong gutom baka kase kapag gutom na gutom ka na di mo makontrol ang sarili mo at maubos mo ang dugo ko. You are not even creepy since the beginning," turan ni Xian kinindatan pa ako. Halata nga namang di siya natatakot sa akin. Such a brave man. Kilala niya nga siguro ako pero siya di ko talaga maalala. "I see." "Now suck," utos niya umupo na sa kama hinarap ako. Napalunok ako nung makita ang ugat sa braso niya. Hinawakan ko ang kamay niya, pumikit at kinagat na ang braso niya. Pumikit ako dahil ayaw kong makita ang mga pangil ko. Ang sarap talaga ng dugo ni Xian. Habang sumisipsip ako maraming mukha ang sumagi sa isip ko. Am I hallucinating while drinking blood? Ganito ba talaga pakiramdam ng sumisipsip ng dugo? Maya maya pa ay nakaramdam ako ng init sa katawan. Cold-blooded ang bampira pero bakit mainit ang pakiramdam ko? Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nasilaw ako sa liwanag ng silid ni Xian. Lumayo agad ako kay Xian baka maubos ko na ang dugo niya. "Where is this glow coming?" Takang tanong ko. "From your skin! Glad to see your skill again!" Masayang sabi ni Xian. "Anong ibig mong sabihin?" Takang usal ko habang tinitingnan ang katawan ko na nagliliwanag. "Isa sa kakayahan mo ang liwanag." Sagot ni Xian. "BEAUTIFUL. " Manghang sabi niya. "Really?" "Aside from that, kaya mo ring ipakita ang nakaraan ng isang tao at bampira. Kaya may kakayahan kang ibalik ang alaala ng mga nakalimot!" dadag pa ni Xian. "Talaga? Ako, kaya ko bang ibalik ang ala ala ko?" Tanong ko. "Di ko pa alam." "Kung kaya kong magpakita at magbalik ng alaala kaya ko rin bang magbura ng alaala?" Tanong ko. Natigilan si Xian na para bang nagulat sa sinabi ko. "May gusto ka bang burahin sa alaala mo?" "Wala naman, naitanong ko lang." "Okay, then just rest, I will be here making sure you are safe," aniya at tumayo na. "You don't have to." "I insist." Kahit sa panaginip ko si Xian nandoon. Laging nagaalaga at nakabantay sa akin. I wonder why I keep dreaming about him. Maybe he is just more than my bloodbag. "It is frustating isn't it?" sabi ko sakanya. "Huh?" "Having a vampire girlfriend?" sagot ko. Napangiti siya. "No worry for me. Ikaw noon o ngayon, bampira o tao, walang problema sa akin. Andito parin ako para protektahan at alagaan ka! Kailangan kita at ng mga kaibigan natin. Bumalik ka na para sa akin at sa mga kaibigan natin! Kailangan ka nila. We need your help," aniya. "Huh? Why? " *** Please comment if you want more updates po para alam ko kung may nagbabasa, ୧⁠(⁠﹒︠⁠ᴗ⁠﹒︡⁠)⁠୨
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD