Mga Lihim At Kabulaanan Lupa’y naging tubig. Tao’y naging dagat. Anumang anyo mayroon ang isang nilalang ay tuloy-tuloy pa rin ang buhay. Bagaman sa bawat pagbabanyuhay, may mga lihim at kabulaanang dadalhin ang isang nilalang; kung saan, kung kailan, at kung paano man maisiwalat ang mga ito’y kadalasang ipinauubaya na lamang ng may-lihim at ng may-kabulaanan sa tadhana. Tulad ng pinagkasunduan ng Reyna at ng Diwata ng Kalikasan, nag-anyong orkidyas ng dagat ang bathalumang kapatid ng Diwatang Tamuneneng upang ito’y makapasok sa silid-tulugan ng dalawang dugong lungtian sa unang gabi nila na magkasama subalit wala pa ang bendisyon ng kasal. Bagaman nagbigay ng pahintulot ang reyna sa diwata, ang presensya ng bathaluman sa silid-tulugan nila ng hari ay nagdulot ng matinding pagkabalisa.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


