Kabanatang Walang Bilang

2736 Words

Isang Epiko ng Dagat Mula sa Mga Paglalakbay ni Perla sa Daigdig ng Mga Panaginip I. Panimula “Ang dagat ang tunay na dugong buhay ng ating sangkapuluan.” Sa gabing ito, may isang bangka na nakadagan sa aking dibdib – isang pasaning katawang-tubig na binahura ang aking tulog; isang awiting pinakadukha ang melodiya’t mga lirika; sugatang tinig na binulahaw ang mismong pintig ng aking puso. Bangkang-haraya’y di maalpasan, pinaghugpong na kadenang alon, uhaw na apoy ang lumalawak at lumalalim na tubig-alat; at akong isang estrangherado na lumulubog at lumilitaw sa tuwing may paglalayag lamang sa mga pulong ikinuwintas, ako ay isang mahinang bulong kung ihahambing sa pagdaluyong nitong kumintang na namumuo sa mismong templo ng aking noo: ang pagwawala sa pagkawala nitong malaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD