Epilogo

1439 Words

Pagkatapos na pagkatapos ng mahaba-habang kuwento ng Diwata ng Kalikasan ay nagsipalakpakan ang lahat ng kaniyang tagapakinig. Sa pagkakataong ito’y nakangiting isinara na ng diwata ang mahiwagang Aklat ng Mga Pakikipagsapalaran. Sa isang sulok ng kaniyang mga mata’y natanaw niya ang papalapit na Hari at Reyna ng Dagat na nanaog na pala sa balkonahe at lumabas sa plaza upang personal na pasalamatan ang pambihirang pagkakataon na ito. Sa labis na tuwa naman ng Diwata ng Kalikasan ay tumayo ito’t kumaway na tulad ng sa isang patimpalak ng mga tagalupang tao na kung tawagin ay Miss Universe. Sa kasalukuyang unibersong nasa ilalim ng dagat, masasabi na nating isang malaking tagumpay ang pagkukuwento ng panauhing pandangal ng buong kaharian ng Ayisa. Sa paghupa ng palakpakan at paghiyaw ng m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD