Ang Hangin (Pangalawang Bahagi) Dahil siya ang hangin, walang-walang makadadaig sa kaniyang pagiging mahangin. Dahil mahangin ang hangin, hinding-hindi tutuntong sa lupa ang mga paa nito. Dahil mahangin ang hangin, madaling lumaki ang kaniyang ulo, mabilis na lumakas ang kaniyang boses, at madalas na nagsasalítang mabigat-magaan ang kaniyang datíng sa mga nilalang, lalo na sa mga tao, ng daigdig. Alam na alam na ito ng kaniyang dalawang matalik na kaibigan: sina Bathalon at Batingaw; na ngayo’y kainuman niya pagkatapos makapananghalian sa isang private at airconditioned room ng isang sikat na restaurant sa Seaside. Wala naman talagang okasyong maitatawag ang hangin kung bakit nito naisipang paghandaan nang magarbo sina Bathalon at Batingaw, kundi na rin marahil ang matagal nang hindi pag

