Ang Hangin (Unang Bahagi) Napakalakas ng palakpakan mga taga-Ayisa nang matapos na ang Diwata ng Kalikasan sa kaniyang unang kuwento. Ang pinakamalakas na palakpak ay nagmula pa sa balkonahe ng Simboryo, mula sa bagong Hari at Reyna ng Dagat. Halos tumulo ang luha ng Reyna ng Dagat. Para kasing naaalala pa niya nang siya’y napapabilang pa bilang isa sa mga tagalupang tao. Subalit malayong-malayo pa sa iniisip ng lahat na tapos na sa pagkukuwento ang Diwata ng Kalikasan. Kumbaga sa isang nobela, panimula pa lamang ito. Pinakiusapan muna niya ang lahat ng kaniyang tagapakinig na maghanap muna nang mamemeryenda, lalo na para sa mga bata, para mas lalo silang maaliw habang nakikinig sa kuwento niya. Habang kumukuha pa ng mamemeryenda ang lahat ng mga taga-Ayisa, kinawayan ng Diwata ng Kal

