Alingawngaw Sapagkat siya ang alingawngaw sa isang mahayop na bahagi ng isang kabundukan, para siyang mensahero ng isang opisina: ang dakilang tagapaghatid ng anumang mensaheng iaatang sa kaniya ng kaniyang mga among hayop. Marami’t sari-sari ang mga mensaheng ito: mga mating call o paanyaya ng pakikipagniig; at ang mga tawag ng babala, ng pagsalubong, at ng pamamaalam. Mga panawagan na kailangang ipakalat at ipalaganap kaagad sa mahayop na bahaging ito ng kabundukan upang mapanatili ang pamamayani ng katiwasayan at kapayapaan sa buhay ng lahat ng mga taga-roon. Para sa alingawngaw ay maituturing na niyang isang malaking opisina ang bahaging ito ng kabundukan; at ang mga hayop na nakatira dito, ang kaniyang mga bosing. Kung gaano karami’t sari-sari ang mga bosing ng alingawngaw ay ganoon

