Sukab Ito ang kahulugan ng salitang sukab, ayon sa https://diksiyonaryo.ph/: su·káb pnr 1: [Kap ST] taksil 2: [Bik Ilk Kap ST] bahagyang bukás, tulad ng talukab ng talaba 3: [ST] nakayuko hábang dumaraan sa ilalim ng isang mababàng hadlang 4: [ST] dumating bago ang takdang oras. * Sa loob ng Simboryo ng Ayisa, kung saan nagtipon-tipon ang mga taklobong konsehal dahil sa isang biglaang pagpupulong ni Konsehal Pabebe, tila walang epekto ang matinding pagtabang at pagkaburak ng tubig-dagat sa pamayanan sa labas. Ito’y sa dahilang ibinuhos lamang ng Karagatang Kanaken at Kanimo ang kanilang tulong na tubig-alat sa loob ng Simboryo at sa imbakang bukal ng konseho sa likurang bahagi ng Simboryo kung saan pinapapila nila ang mga taga-Ayisa upang umigib sa isang poso n***o. Sa madalin

