Kabanata 24

1567 Words

Laot Laot. Laot ang langit ng mga lalang sa sangkaragatan. Naniniwala ang lahat ng lalang sa dagat na, sa ilang daang taong pagbabagong-anyo ng Bathalon, ang sugong anak ng Poon ng Dagat na si Amansinaya, sa bawat kuwentong namutawi sa labi ng mga anak ng dagat, ang laot ang bukodtanging tagpuan kung saan naganap ang ilang pangunahing eksena sa pagiging Anak ng Diyos ng Dagat si Bathalon. Sa laot makikita ang isang malawak at malalim na kahinahunan at kapayapaan. Sa laot mararamdaman ang langit sa dagat. Kung kaya hindi naging malayo sa pagpapasiya ng dalawang lupon na nahati sa kanilang pagtakas sa mga tumutugis na mga taga-Nakar na ang laot ang siyang magiging tagpuan nila na malayo sa anumang panganib at kapahamakan. Naunang dumating sa pinag-usapang tagpuan ang pangkat na Badjao

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD