Kuta Ng Kabayanihan Ilang araw ding nagtago at nagpalakas muna sa Isla Batong-Apog ang mga nakaligtas sa mga tumutugis at umuusig sa kanila mula sa Nakar at Ayisa. Sangktwaryo ngang matatawag ang pulo dahil sa labis na galak ng mga unggoy, mga balinsasayaw, mga buwaya, at ilan pa sa maraming nilalang ng isla, ang lahat ng ito’y naghanda ng isang piging upang ipagbunyi ang naging magandang bunga ng isang mapanghamong pakikipagsapalaran. ang bunga na harinawa’y manatiling ligtas ang lahat – bilang mga nakatakas noon at bilang mga tagapagligtas bukas. Katulad nga ng nasabi ni Perla, abot-laot ang pasasalamat niya sa tulong ng mga dati at ng mga bagong kaibigan – at kapamilya. Pinagbigyan ng grupo na makapag-isa na muna si Perla sa isang kubo-kubo na malapit sa dalampasigan upang makapahinga

